Pages

Thursday, July 31, 2008

Dalampasigan (Beach Shore)

Patar Beach
Kung noong nakaraang linggo, medyo nalito ang ilan sa english translation ng Kanluran, ako naman medyo nalilito kung ano ang kahulugan ng Dalampasigan sa ingles. Alam ko, kasing kahulugan siya ng dagat o kaya beach, pero yung pinaka-direktong kahulugan ay hindi ko talaga alam. Kinailangan ko pang magtanong sa ilang tao para lang masiguro kung ano ang dalampasigan sa ingles. Napag-alaman kong tabing dagat ang kahulugan ng dalampasigan, kaya naisip kong ito ang ilahok ko sa ngayong linggo.

Gaya ng nasabi ko noong nakaraang linggo, kami ng aking ina ay naimbitahan sa Bolinao, Pangasinan para sa isang salu-salo / reunion / despedida party ni Uncle Pete. Sa aming ikatlong araw, kaming lahat ay nag-renta ng isang beach house sa Brgy. Patar kung saan kaming lahat ay nagtampisaw sa dagat buong maghapon (talagang nasunog ako dito). Bandang hapon, kami ay pumunta sa mga caves, at tamang-tama ang pagbalik namin sa beach house pagkalubog ng araw. Ako'y talagang natutuwang pagmasdang mag-iba ang kulay ng langit sa paglubog ng araw. At, ngayon ko lang napansin, na ma-drama din palang tignan ang dalampasigan kahit na hindi direktang nakikita ang paglubog ng araw.

Kuha gamit ang aking Canon Powershot A580 digital camera, naka-set sa sunset, walang flash.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

English Translation:

Last week, a few people said they got confused with the translation of "kanluran" in English, and this week, it was my turn to get confused. I know "dalampasigan" has a connection with beaches, but I seriously didn't know the direct translation of the word. I actually had to ask a few people to ensure I had it correct! I learned that it meant beach shore, so this is what I will share for this week.

Like what I said last week, mom and I were invited by Uncle Pete in Bolinao, Pangasinan for a get-together / reunion / despedida party, and on our third day, we rented a beach house in Brgy. Patar where we spent the whole day at the beach (I got sunburned pretty bad). Late in the afternoon, we went to check out the caves and we got back just in time for the sunset. I really love how the skies turn into different colors as the sun sets. And, in this picture, I realized that it is also dramatic to see the shore at sunset even if the sun cannot be seen.

Taken using my Canon Powershot A580 digital camera, set to sunset, no flash.

*** Jenn ***

Memories by Jenn Le KultiszieFamilie
Jenn Was Here Shutter Happenings

26 comments:

  1. tama naman...shore, sea shore...ganda!

    ReplyDelete
  2. That's a lovely beach sunset.
    Ganda ng picture mo. :)

    ReplyDelete
  3. ibang emosyon ang mararamdaman ko pag nakakakita ako ng larawan ng dalampasigan at ng sunset... parang masarap mag-isip at mag-contemplate.

    ReplyDelete
  4. Ang ganda! lalo na kasama ang iyong lovey doods na nakaupo at tinatanaw ang paglubog ng araw...hay, romantiko!

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng litrato mo... magkahalong dalampasigan at kanluran... LOL

    ReplyDelete
  6. wow ang ganda ng composition! tamang tama lang ang hatian ng dagat, buhangin at kalawakan...
    magandang huwebes sa'yo!

    ReplyDelete
  7. maraming salamat po sa mga komento!

    nona -- oo nga masarap nga sana kaso wala eh. =)

    ReplyDelete
  8. buhay na buhay ang kula ng langit isa sa mga tema na gusto kong makunan- ang langit na tila canvass ng ibat-ibang kulay at hugis parang abstract painting

    ReplyDelete
  9. haha, ako din nalito sa ibig sabihin ng dalampasiga, pati narin ang kanluran. kinailangan ko pa hanapin ang english nito.

    anyways, ang ganda talaga ng sunset pag by the beach ano.

    ReplyDelete
  10. wow beautiful colors blue and orange :)

    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html

    ReplyDelete
  11. nice pic... happy huwebes... :)

    ReplyDelete
  12. ganda talaga ng beach kahit anong oras...

    ReplyDelete
  13. ganda ng iyong dalampasigan...enjoy LP!

    ReplyDelete
  14. Ang ganda. Nakapunta na ko sa Bolinao twenty years ago. Nakakamiss ang lugar at ang mga kaibigang kasama ko doon. Magandang Hwebes!

    ReplyDelete
  15. parang gnito rin ang isa kong lahok :) sarap sa tabing dagat!

    eto naman ang akin:
    http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-dalampasigan/
    http://www.walkonred.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
    http://www.kathycot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
    http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-dalampasigan.html

    ReplyDelete
  16. nakaka-relax naman ang iyong entry for this week. at sa pinas, parang hindi naman kailangan yata magtungo pa sa mga sikat na lugar like boracay or cebu para lang makaranas magtampisaw sa paraiso ano? ganda. :)

    LP Dalampasigan sa MyMemes
    LP Dalampasigan sa MyFinds

    ReplyDelete
  17. ganda!!
    got something for you, Jenn. :)

    happy friday!

    ReplyDelete
  18. tama ka. kahit wala sa larawan ang araw, iba ang kulay na ipinipinta nito sa kalangitan. happy weekend!

    ReplyDelete
  19. A great shot of a lovely beach, the colours are beautiful.) Thank you for commenting on my SW.

    ReplyDelete
  20. ang cute ng colors. galing ng pagkakakuha.

    eto po sa akin..

    http://www.inthespiritofdance.com/2008/07/lp-18-dalampasigan.html

    ReplyDelete
  21. Galing ng treatment! Happy Friday.

    ReplyDelete
  22. ang ganda ng beach sa pangasinan, napunta na kami sa may lingayen sarap maligo kaya lang medyo maalon that time kaya nagtampisaw nalng kami

    www.luminosity.kadyo.com

    ReplyDelete