Pages

Thursday, August 28, 2008

Ayaw Ko (Reject)

Kung merong dalawang pagkain ang hinding-hindi ko talaga kakainin, iyon ay ang atay (lalo na ng manok) at okra. Pero siyempre, medyo weirdo kung litrato ng atay ang ilalahok ko, kaya eto na lang, ang okra. =)



Okra

Bata pa lang ako, ayaw ko na talagang kumain ng okra. Ang daming pagkakataong "pinipilit" ako ng aking ama na kumain, at minsan talagang mino-motivate pa ako, pero hindi ko talaga gusto. Tina-try ko, oo, pero hindi ko magawang lunukin, unang nguya pa lang, nagre-react na kaagad ang katawan ko! Hindi ko gusto ang pakiramdam habang nginunguya ito, pero kaya ko namang kumain ng saluyot. Siguro nasa isip ko na rin na hindi ko talaga ito gusto. Bukod kasi sa madulas, iba rin ang lasa kaya't kahit anong liit at kahit anong pilit, di ko talaga ito makakakain. Pero, kung ito ay ala Fear Factor, at ako ay babayaran, kahit 500 pesos, kakainin ko ito. Hahahaha.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

English Translation:

If there are two foods that I totally won't eat, it would be liver (especially chicken's) and okra. But of course, it would be too weird if I post a picture of a liver, so I would just post a picture of the okra.

Ever since I was a child, I have not wanted this food. So many instances that my late father would "force" me to eat one, even motivated me at some point, but I just cannot swallow it. The slimy feeling it gives in my mouth sends shivers, and it was funny because I can eat jute! Maybe it's all in the head, but if someone would give me a reward, even just 500 pesos, I'd eat it. Hahahaha.

*** Jenn ***

embraceLe Kultiszie Familie
Jenn Was HereShutter Happenings

37 comments:

  1. naku! type ko iyan okra! esp. sa pinakbet o d kaya simpleng nilaga lang sa bagoong! nyum!:)

    ReplyDelete
  2. sige, if ever magkita tayo at kumain tayo ng pinakbet, bigay ko sa 'yo lahat ng okra. hehehehe. =)

    salamat sa pagdaan.

    ReplyDelete
  3. Naku nakakagutom ang kuha mo, di tulad mo hilig ko ang Okra. Para sa akin masarap siya at healthy pa. Maligayang paglahok sa LP ngayong linggo!

    ReplyDelete
  4. lahat tayo may "hate" na pagkain...pero gusto ko ang okra, lalo na sa ginatan.

    ito naman ang ayoko...

    ReplyDelete
  5. hehe ako din! ang slimy kasi :)

    ReplyDelete
  6. oh my gosh! gusto ko yan, ang sarap nyan tapos miss ko narin wala kasing tindang okra dito..

    ReplyDelete
  7. Hello gurl! mali pala ang nabigay kong link ng blog ko nandito ang LP ko jenn...Tc

    ReplyDelete
  8. alam ko yung ganyang feeling! na kahit anong pilit mong kainin di mo talaga magawang lunukin... pero ang okra na yan mabilis lunukin kasi madulas hehehe!

    ReplyDelete
  9. Pareho kami ni Ces at Litzie gusto ko din ang okra :D

    Sabi ng anak ko pag ulam namin ay chicken liver: "Bakit ba kinakain yan, nandiyan lahat ng toxic waste ng manok?" :D

    ReplyDelete
  10. Hala, gusto ko pareho yan, hehehe. yung ata? pati nga liver spread pinapapak ko e, hehehehe.

    ReplyDelete
  11. Ganon din ako nung bata pa ko ,, pero ngayon Ok na!!! masasanay ka rin !!!!

    ReplyDelete
  12. argh! ayoko rin ng okra! masyadong madulas sa dila!

    happy LP!

    ReplyDelete
  13. you're not alone, my siblings the same. they don't like okra, along with ampalaya, alugbate. samantalang ako eh nasasarapan, lalo na pag nakahalo sya sa pinakbet o bulanglang. hehehe, acquired taste talaga yata ang okra. happy thursday :D

    ReplyDelete
  14. 'di naman ako pihikan sa pagkain; maraming gulay ang kinakain ko, pero itong okra talaga ang 'di ko kayang kainin! =) Salamat po sa lahat ng dumaan.

    ReplyDelete
  15. sarap yan!!! laga mo lang tapos sawsaw mo sa bagoong na may calamansi. yummm!

    ReplyDelete
  16. ako din ayaw ko ng atay kahit sa baboy.. yuck.. pero yang okra sarap nyan.. kahit sa sinigang, etc..

    ReplyDelete
  17. paminsan minsan lang ko lang gusto ang okra..may ibang okra kasi na kahit putulin mo ng maliliit madulas parin, nakakaumay :)

    eto akin lahok
    http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html

    ReplyDelete
  18. Ayoko din ng okra. At ampalaya. Magandang Hwebes!

    ReplyDelete
  19. i have an award for you, check and pick it in my blog. have a nice day!

    ReplyDelete
  20. ang daming taong may ayaw ng okra.
    ako pa naman, paborito ko yan.

    eto naman ang ayaw ko:
    http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/08/litratong-pinoy-ayaw-ko-reject.html

    ReplyDelete
  21. di ka siguro ilokano kasi paborito yang sangkap sa pakbet eh. ako, komo't ilokano, gustong gusto ko ng okra. kahit steamed lang tapos may bagoong isda at kalamansi..tapos may kanin..nakow..solve na ako :D

    ReplyDelete
  22. cookie -- nakakatawa pero lahing ilokano ako. ang aking ama ay ipinanganak sa la union. halos lahat naman ng gulay kinakain ko, kahit dahon ng sitaw at kung anu-ano. yung okra lang talaga ang ayaw ko. =)

    ReplyDelete
  23. ayoko din ng okra. ewan ko ba kung bakit.

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-22-ayaw-ko.html

    ReplyDelete
  24. nice macro shot jen... :)

    ReplyDelete
  25. Hi Jenn, ganda ng kuha mo. Ako naman type ko ang okra pero ang asawa ko wiz niya type ito kaya matagal na akong di nakakakain ng okra. Kapag umuuwi lang ako sa amin sa probinsya ako nakakatikim ulit.

    ReplyDelete
  26. ako rin dati ayaw ko ng okara, nito lang, a couplr of months ago natuto kumain nito at nasabi ko sa sarili ko, masarap pla cya. ;)

    happy LP

    ReplyDelete
  27. okra at talong - yang 2 na yan ang pinaka ayaw kong gulay...

    pag nadaya mo ang putahe at nahaluan ng okra at talong...alam ng tiyan ko at iluluwa niya ito hehehe

    ReplyDelete
  28. ayoko din ng atay :) pero masarap ang okra pag may kasamang bagoong! :)

    ReplyDelete
  29. uy ganda ng layout. tagal ko ng di napapadaan kasi hehe. ^^'

    ako, basta gulay di masyado pa ring makakain pero tinatry ko ngayon syempre hehe. pero marami rin akong kilalang ayaw ng okra, di ka nag-iisa! ^^

    maligayang paglilitrato! eto naman ang sakin:
    An Open Hate Letter

    ReplyDelete
  30. ay! paborito ko naman ito! :D pero marami nga kayong may ayaw sa okra.

    ReplyDelete
  31. you should try liking it. it's one of the healthy foods around. rich in fiber and other needed nutrients.

    ReplyDelete
  32. yung ayaw mo yun naman ang gustong gusto ko

    http://hipncoolmomma.com/?p=2060

    ReplyDelete
  33. dati ayaw ko nyan pero ngaun ok na din! baka magustuhan mo yan pagdating ng panahon.... ala Aiza Seguerra! :)

    http://whenmomspeaks.com/2008/08/lp-ayaw/

    ReplyDelete
  34. Ha ha! I hate slimy things too, like mushrooms. But I do have to say that I love okra (fried!).

    ReplyDelete
  35. mas type ko ang okra kaysa talong. :D

    ReplyDelete
  36. miss jen, di mo ba alam na ang okra ay gulay na pampa...el daw. ewan ko sabi lang nla.. subukan nga natin kung totoo...hehehe

    ReplyDelete