Pages
▼
Thursday, November 27, 2008
Pagwawagi (Triumph)
Sa taong ito, may ginawa akong listahan ng mga bagay na hinihiling kong sana ay matupad, at isa rito ang makapunta sa kahit limang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Hindi ko talaga inaasahan na ang munting pangarap na ito ay matutupad, at sobra sobra pa!
{At the start of this year, I made a list of things I wish to achieve for this year, and one of those was to see at least five places that I still haven't seen. I didn't realize that this wish would be granted more than I expected.}
Ang taon na ito ay isang napakagandang taon para sa akin kung paglalakbay ang pag-uusapan. Noong Marso, ako ay nakapunta ng Villa Escudero sa Laguna, noong Mayo nakarating ako ng Banaue, Cagayan, at Ilocos Norte (kahit hindi naman talaga nagtagal), at dalawang linggo pa lang ang nakararaan ay nakapunta naman ako ng Bohol at Dumaguete. Sa pagitan ng mga lugar at panahon ay marami-rami rin akong mga lugar na napuntahan, ang ilan ay ngayon ko pa lang napuntahan, at ang ilan naman ay pangalawa o pangatlong pagbisita na.
{This year has been a great year for me as far as traveling is concerned. Last March, I've been to Villa Escudero in Laguna, last May I've reach places as far as Banaue, Cagayan, and Ilocos Norte (though I didn't really stay here for long), and just two weeks ago, I've been to Bohol and Dumaguete. In between the places and the times, I've been to several places as well, some are first times while some are merely revisits.}
Tunay na isang napakatamis na pagwawagi ang makitang matupad ang mga pangarap.
{It's truly a sweet triumph to see wishes coming true!}
*** Jenn ***
ps - big thanks to the photographers in chocolate hills for this photo.
my dad has the same picture like yours. meron pa yung tatlo ata sila. taken in bohol too. Nakakainggit pagtra-travel travel mo ha. keep the pictures coming para kahit papano parang nakita na rin namin yung mga pinuntahan mo.
ReplyDeleteang galing..kuhang kuha ang smile:)
ReplyDeletemaligayang LP:)
NANDITO NAMAN ANG LAHOK KO:
monkeymonitor.blogspot.com
ReplyDeleteGaling ng picture! Gusto ko rin ng ganito....hehe
ReplyDeleteNandito po ang akin.
Magandang Huwebes!
Nice shots! Good timing, naka ilang take po kaya kayo? Hehehe... Have a good day... and always smile...
ReplyDeletenice jen, taas ng talon mo ah... :)
ReplyDeleteinggit ako sa travel mo ngayong taon nato. lahat gusto kong balikan heheehhe! at inggit din ako sa litrato, nakakatuwa.
ReplyDeletesmiling witch hahaha.
ReplyDeleteNice shot! Parang totoong lumilipad. :)
astig!
ReplyDeletekakatuwa naman ang litrato mo. wala bang flying carpet? :D
ReplyDeleteKaaliw naman ang kuha na ito - mala-"Harry Potter" ang arrive - hahaha! :lol:
ReplyDeleteIbang klaseng kaalaman ang nakukuha sa pagbibiyahe - tunay na higit pa sa kahit anong nababasa o napapanood lamang.
Happy LP!
inggit na ako sa ganitong mga photos sa harap ng bohol hills ha :D sana ako rin makarating dyan
ReplyDeleteWagi ang larawan mo Jenn :)
ReplyDeleteOK din ang pagkatupad ng mga listahan ng lugar mo.
....haiz, akoy inggit.. heheh.. wagi talaga ito para sa iyo dahil ito ang taon na marami kang napuntahan.. heheh..
ReplyDeleteAng ganda ng shot, waging wagi sa smile mo!
ReplyDeleteHappy LP Jenn!
ang cute ng kuha! nangarap din ako ng makasakay sa walis tingting hehe aliw ang lahok na ito!:)
ReplyDeleteha ha ha!!! Minimithi ko ang maksakay sa walis!!!!! ha ha ha...
ReplyDeleteMabuhay ka Jenn!!! ganyan nga travel ng travel,, to widen your horizon....
Ang laboy na si Jenn!!!!! lambing ko lang to sayo ha...!!!
thanks for the bday greetings!!!!!
have a great weekend
parang si Harry Potter! Ayus! ganda ng mga napuntahan mo...punta ka naman sa Mindanao sa susunod
ReplyDeleteUy nice! Tamang tama ang pagpindot! Gusto ko ring marating yan!
ReplyDeletei share your passion for traveling jenn :) it's nice to hear you're fulfilling yours! sige lang go travel the world and don't forget to take pictures! :)
ReplyDelete