May mga ilang litrato sa aking file na tugma sa tema ngayong linggo, ngunit napagdesisyunan kong ito na lang ang ilahok ko. Kuha ito sa libreng art exhibit sa Jaime Velasquez Park, siyudad ng Makati noong Sabado (28 June). Noon lang ako nakapunta sa isang art exhibit, kaya kahit masakit na ang paa ko ay nagawa ko pa ring ikutin ang mga galleries ng tatlong beses.
Napakaraming likhang sining na talaga naman ang gaganda, ngunit para sa akin ang mga obrang may tema tungkol sa Pilipinas ang mas matimbang para sa akin. Ang larawang ito ay bahagi lamang ng likhang sining ni Robert Alejandro. Ang larawang ito ay isang mamang nagtitinda ng taho - isa sa mga tatak Pinoy na parte na buhay ng maraming Pilipino.
Noong ako ay bata pa, hindi kumpleto ang agahan namin ng aking kuya kung walang taho. Araw-araw, lagi kaming nakaabang sa aming bintana sa pagdating ng mamang magtataho, at lagi naming hiling na dagdagan ang sago at arnibal para mas masarap ang aming taho. Sa ngayon, hindi na ako kumakain ng taho (ako ay lumaking walang hilig sa matatamis na pagkain), ngunit dito sa aming lugar, may mga bata pa ring nakaabang sa labas ng kanilang tahanan, bitbit ang isang baso at kutsara, naghihintay sa pagdating ng mamang magtataho.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
English Transation:
I got a few pictures on my file that would fit this week's theme, but decided on this instead. I took this photo last Saturday (28 June), when I passed by the free art exhibit at the Jaime Velasquez Park in Makati City. It was my first time to check out an art exhibit, so even if my feet were hurting, I still circled the galleries thrice.
There were so many great works of art, but the artworks I loved the most were those that speaks about "being Filipino." This picture is just a part of a painting by Robert Alejandro. The painting is a man that sells taho (soy bean pudding), a food that has been part of every Filipino's life.
When I was still a kid, breakfast will never be complete without eating a glass of taho. Everyday, my brother and I would wait by our window for the taho vendor and when he came, we would always request him to put more sago (tapioca pearls) and caramel to make it more tasty. Right now, I don't eat taho anymore (I grew up not really liking sweet foods), but here in our neighborhood, I still see kids outside their house with a glass and a spoon in their hands, waiting for the taho vendor to pass by.
*** Jenn***
30 comments:
ang galing ng likhang ito, simpleng simple pero maganda...at paborito ng mga anak ko iyang taho!
Isa sa mga tatak Pinoy ang taho. Lagi kasi iynag naririnig tuwing umaga...Tahooo!
Magandang Huwebes.
ang ganda ng pagkaguhit! at talagang namimiss ko na ang malakas na sigaw ng taho galing sa naglalahok!
naalala ko tuloy ang taho,yung bunso ko natutong kumain ng taho nuong nanjan pa kami sa pinas. :)
favorite ko din ang taho, as in!!! nakakamiss talaga!
Nice painting. Nakakatuwa ngang hintayin si Mamang taho tuwing umaga. Kahit ang mga anak ko ay natutuwa tuwing kami ay bumibili niyan. Paborito ang taho kapag medyo malamig so inilalagay ko muna ito sa ref. yum!
Maligayang LP!
Ang estilo sa larawan ay pinoy na pinoy din. Ang sipit na tsinelas ay pinoy din at shempre naman ang taho! Noon ay nakakabili ako ng 50 sentimo na taho (grade 1 ako!) ngayon ba ay magkano na ang minimum price ng taho? Kamiss naman! Happy LP!
Na-miss ko tuloy bigla ang taho! Hindi na kasi madalas magdaan dito sa amin ang magtataho e...
Ganda rin ng pagkalikha ng larawan ni Robert Alejandro. Siya rin ba yung isa sa mga Alejandro ng Papemelroti?
Salamat sa mga komento. Pinky, oo, si Robert Alejandro nga ang isa sa mga may-ari ng Papemelroti.
oh my taho!!!! hehehe. isa sa paborito kong almusal :) hay nakaka-miss.
sa mga gustong sumakay sa Jeepney ko, tignan nyo ito:
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy-jeepney.html
Labs ko din ang taho!
magaling ang nag likha nito ah.. yang taho naku sarap nyan buti na nga may taho na rin sa gabi ano at meron pa sa mall pero hindi sa maglalako hehe..
salamt s apagdalw sa bahay ko..
Paborito ko din ang taho!!! Ang suki ko ay dumadaan sa bahay namin tuwing umaga.
Healthy food. Very.
wala pa ang mga letra...litrato pa lang na pa 'taho!' na ako. galing!
peyborit ko yan!
taho...tatak PINOY!
bakit nga hindi ko naiisip ang taho! galing naman! :)
taho! wow miss ko na yan!!
ang ganda ng painting... gusto ko rin magkaron ng ganyan sa bahay ko someday (pag kaya ko na)
kahit dito sa korea gumagawa ako ng taho... hindi nga lang kasing-lasa ng sa pilipinas
hello, jenn. salamat sa pagbisita mo sa site ko. nando'n din ako sa art exhibit no'ng Sabado, doon mismo sa booth nina Robert Alejandro, Beth Parrocha at Bernadette Wolf ng NutArt.:D
Di ako natutong kumain ng taho pero paborito yan ng mga pamangkin ko.:)
galing talaga ni robert alejandro gumuhit! at mmm, taho. mmmm...
Ay talaga Luna? Katanghalian ako naroon. Nakita mo kaya ako? Ako ang chubby girl doon na naka black poncho. =)
paborito ko ang taho :) sarap!
I love this piece of art! I love the genre - daily life of the Filipinos. Taho, everyday merienda namin yan noong bata kami.
galing, jenn!!!!
tahoooo! nakalimutan ko, may litrato din ako ng actual taho! haha.
at yung artist nitong litrato mo, siya yung isa sa mga nagdidisenyo ng produkto ng tindahang papemelroti--tatak pinoy na stationery store at kaibigan pa ng kalikasan dahil recycled ang papel nila.
salamat sa pagdalaw!
hahaha nkarelate ako sa post mo ah... ganun din ang gawain ko nung bata pa ako, nag-aabang sa magtataho bitbit ang isang baso at kutsara at syempre hihingi kay lola ng piso pambayad sa taho hehehehe.... until now, pag may dumadaan paminsanminsan dito bumibili pa rinkaming taho... :) nice post.. :) keep it up...
http://meiyah.wordpress.com
i miss taho! although marami dito sa grocery at mini-marts, iba pa rin yung naririnig mo ang paos na sigaw ng magtataho...
naku! na-miss ko naman bigla ang taho!
magandang araw sa'yo!
taho! noong maliliit pa kami ng kapatid, lagi naming hinihintay ang magtataho...mang abe pa nga ang pangalan niya eh! :) yan ang pinakamsarap na taho! :)
LP Tatak Pinoy: Mga Gawang Kamay
LP Tatak Pinoy: Mga Lamang Tiyan
taho...isa sa mga pagkaing pinoy na gusto ko. ang galing ng pagkakadrawing ha :)
happy weekend!
ang ganda ng pagkakaguhit nito!
at syempre pa, na miss ko bilga ang taho :)
Post a Comment