Thursday, January 15, 2009

Asul (Blue)

Isang pagkakamali ang kaagad-agad magsabing puro bulaklak ang aking lahok ngayong buwan. Hindi ko kaagad naisip na meron palang asul sa listahan at wala ako kahit isang larawan ng asul na bulaklak. Kung tutuusin, meron naman - isang paso ng hydrangea na binili ko para sa aking ina, subalit hindi matingkad na asul ang kulay ng bulaklak. May pagka-baby blue, pero parang hindi rin... para siyang puting bulaklak na may kaunting asul at dahil ang litrato ay nakuhanan ng gabi, mas iisipin ng makakakita na puti iyon kaysa sa asul. Palpak ang aking misyon. Hahahaha. Sa tingin ko, ang bunsong kapatid lamang namin ang makakagawa ng kanyang misyon dahil si kuya ay medyo huli na rin nagdesisyon na pagkain ang gagawin nya ngayong buwan.

{It was a big mistake that I took on flowers as my theme for this month's LP. I didn't realize that there was a "blue" theme on the list and I didn't even have an image of a blue flower in my files! Actually, there is one - a picture of the hydrangea plant I bought for my mom, but it was hardly blue at all! And since I took the picture on night time - with flash - it was more white than it was blue! Mission failed. Hahaha. Seems little sister's the only one who can accomplish her theme for this month since brother was kinda late to decided to take on foods this month.}



13/365 - Laundry Day

Ang litratong ito ay kuha noong isang araw. Ito rin ang aking ika-13 na litrato para sa aking Project 365. Natuwa lang ako sa mga hanger nang isampay ko ang aking mga nilabhan. Hindi naman ako OC, pero ito ang isa sa mga natutunan ko sa aking best friend nang kami ay tumira sa isang studio apartment huling taon ko sa kolehiyo. Siya ang OC at hindi man ako naging sobrang sinop gaya niya sa mga gamit, nakatutuwa ring isipin na marami akong natutunan sa ilang buwan naming pagsasama.

{This picture was taken the other day, and is my 13th picture for my Project 365. I was just happy seeing the hangers as I put out the laundry, so I took a shot of it. I am not an OC person, but I got to pick up this same-same attitude towards some items from my best friend when we lived together in one apartment on my last year in college. She's the OC one, and although I wasn't really much into arranging stuffs as she did, I was happy to be influenced a little with her attitude.}

Plug ko lang ang grupo.. kung ikaw ay Pinoy, may blog at nais sumali sa aming munting palaro tuwing Huwebes, paki-click lang ang maliit na button sa itaas ng litrato. Happy Huwebes, mga ka-LP!

{I will just plug the group real quick - if you're a Filipino blogger and would like to join this fun game every Thursday, just click the small button at the top of the picture. Happy Thursday!}

*** Jenn ***

20 comments:

Unknown said...

great shot! ganda ng angle nitong litrato mo.

Anonymous said...

kakaiba sa lahat. natural na natural ang ganda.

Reflexes
Living In Australia

Tanchi said...

ganda ng angle:)
very natural..as if nasa place nya lang talga

keep8up

:)

asouthernshutter.com

Four-eyed-missy said...

Ganda ng anggulo.
Ganyan din ako - gusto ko lahat ng hanger nakaharap sa iisang direction. Pero di rin naman ako OC :)

Sreisaat Adventures

Junnie said...

ako OC at lahat ng hanger ko ay puti...hehehe

Anonymous said...

This reminds me that I have to fold and hang up my laundry. Oops. *L*

Happy LP!

Anonymous said...

nakakatuwa ang isang halerang asul na hangers! nice shot!

Anonymous said...

Jen aba eh dapat may % ka sa manufacturer ng hangers na ito, pwedeng ad campaign for them ha!

Bella Sweet Cakes said...

Hi Jen slamat sa pagbisita.... Ganda ng kuha mo... akor in di naman OC pero nilalagay ko sa hanger ang sinampaya ko minsan,, pero di pare pareho anghanger!!!! gandang araw friend....

Anonymous said...

maganda ang iyong kuha, pati na ang perspective :-)
ay, ako may blue hydrangea (picture nga lang), ang ganda nga kasi nito...

 gmirage said...

Galing ah! at oo ganyandin ako metikuloso, pareparehong kulay nakaharap sa isang direction :D Happy LP!

Anonymous said...

Napagod ako!!! ayoko ng ganyan kadaming labahin! =))

http://jeprocksdworld.com/lp-azul/

agent112778 said...

sabi na eh eto ang ipopost mo

eto aken lahok
at eto pang isa


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous said...

NIce!!! Kakaiba at punong puno ng buhay!

Ito po ang aking lahok. Sana makadaan po kayo!

-- Biang

linnor said...

ang ganda ng pagkakahilera :) parang sukat na sukat ang bawat pagitan

Marites said...

ay ang cute, parang OC nga ang dating pero maganda naman hehehe!

Anonymous said...

maligayang weekend!

Anonymous said...

uy orig to ah. Gandang blue ang lahok mo kapatid :)

Happy LP

Anonymous said...

isang biyaya ang makita ang ganda ng buhay sa pinakapangkaraniwang mga bagay- at tao!

mabuhay ka =] kagandahan ang kuha na ito!

Anonymous said...

uy hanger...with wings! :P

 
;