Ang tema ngayong linggo ay "hugis ay pahaba." Gabi na ng Huwebes, kaya wala na akong makitang pwede kong kunan ng litrato, kaya naghanap na lang ako sa mga "files" ko. Eto ang una kong nakita:
Kinuhanan ko ito noong Pebrero o Marso ata, sa aming munting hardin sa harap ng bahay. Sa ganitong panahon namumukadkad ang "orchid" na ito, at noong kuhanan ko ito ng litrato, ang plano ko ay kunan ng litrato ang lahat ng bulaklak sa hardin namin. Sa lahat ng nandoon, ito pa lang ang hindi pa talag bumubuka, pero isa-isa ring bumuka pagkaraan ng ilang araw.
Ang litratong ito ay kinunan gamit ang aking Sony Ericsson K800i Cell Phone, naka-auto at naka-set sa macro. Maraming salamat sa pagbisita sa aking litrato ngayong linggo. Nawa'y linggu-linggo akong makasali sa napakagandang palarong ito.
English Translation:
This is my first week to join "Litratong Pinoy." At first I was a bit hesitant if I will join or not because I am not a professional photographer, but then it was said in the guidelines that one must not really be a professional photographer in order to join. The important thing is, all photography aficionados can come together even just once a week. This week's theme is "elongated in shape." It's already Thursday night, and I cannot find anything interesting to take pictures of, so I just searched my files. Here's the first photo I've seen.
It was, I think, February or March when I took this photo in our little garden. It was this time of the year when this orchid bear flowers, and when I took this one, I was taking pictures of the different flowers in our garden. This was the only one that's still in the budding stage, but the flowers opened up one by one after a few days.
This picture was taken using my Sony Ericsson K8ooi cell phone in auto, set in macro mode. Thanks a lot for dropping by my post for this week, Hopefully I can join in the game weekly.
*** Jenn ***
9 comments:
Ang ganda naman ng orchid na yan at ang hahaba ng bud. Ano kayang itsura niya pag bumuka na?
Welcome sa LP!
maraming salamat, buge! kulay lilang mga bulaklak at ang bango!
Wow! buti pa kayo nabubuhayan ng orchids, mahirap din alagaan yan..
pero ang hahaba nga nila, mukhang malalaki pag bumukas, tyak ang ganda ganda tingnan nila ano? :)
hanggang sa susunod na Huwebes!
maganda ang bulaklak ng orchid na yan.. ang aking ina ay mahilig mag alaga ng orchid at meron din syang ganyan. have a great day! :)
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html
gusto kong makita ang orchid na ito pag talagang namulaklak na siya. :) ang hahaba nga ng buds niya. :)
Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston
hi jenn, welcome sa LP!
dating nag-aalaga ang aking nanay ng orchids, kaya lang hindi na ngayon. nakaka-miss makakita ng kanilang pamumulaklak.at nakakatuwa, ang hirap kasing alagaan eh, hehe.
maligayang huwebes!
MyMemes: LP Pahaba
MyFinds: LP Pahaba
paboritong bulaklak ng mommy ko ang orchids! ang ganda!
magandang araw sa'yo!
panigurado ang ganda nyan pag bumuka na! :) maligayang LP!
hihihi parang sili kung iispin mo orchids na d pa bumubuka.. maganda ang pagkakuha mo nito
Post a Comment