Thursday, May 08, 2008

LP - Mahal na Ina



Dahil sa darating ng Linggo ay araw na ng mga ina, dapat lamang na bigyang parangal ang ating mga ina. Ang larawang ito ay kinunan noong ika-29 ng Marso, 2007 sa Coconut Pavillon ng Villa Escudero, habang kami ay naghihintay sa ipapalabas na Cultural Show. Maraming salamat kay Tita Merlyn para sa litratong ito.

Pinili kong ibahagi ang litratong ito sapagkat ito ang kasalukuyang paborito kong larawan kasama ang aking pinakamamahal na ina. Masaya akong kami ay sobrang malapit na sa isa't-isa, inaamin kong noong ako ay bata pa lamang hanggang sa tumanda ako ay hindi kami gaanong malapit, ngunit kami ay may respeto sa isa't-isa kahit na hindi kami gaanong nag-uusap ng masinsinan.

Ako ay isang "daddy's girl," kaya bihira ko lang talaga kausapin ang aking ina noon. Ang pagpanaw ng aking ama noong isang taon ang nagbukas ng pintuan para maging malapit kami ng aking ina. Sa ngayon, itinuturing naming matalik na magkaibigan ang isa't-isa. Madalas na kaming mag-usap ngayon tungkol sa kahit anong bagay, at malaya ko ng naipapahayag ang mga saloobin ko, at kahit may mga pagkakataong hindi kami nagkakasundo sa mga ilang bagay, kami ay may malawak ng isipan upang tanggapin ang kanya-kanyang pagkakaiba.

Mahal kita, mommy! Maligayang araw ng mga ina. Nagpapasalamat akong ikaw ang aking ina.


English Translation:
Since it's going to be Mother's Day this Sunday, it's just good for us to give tribute for our mothers. This picture was taken 29 March 2008, at the Coconut Pavillon of Villa Escudero, while waiting for the Cultural Show to start. Big thanks to Tita Merlyn for this photo.

I chose to share this picture because this is my current favorite picture of me and my mom. I am happy that we are very close to each other now, I admit she and I didn't really have a good relationship back then, but of course the respect was there, it's just that, we don't really talk heart to heart.

I am a certified Daddy's Girl, that's why I rarely talk to my mom before. My dad's death last year opened doors for us to be close. Now, mom and I consider each other as best friends. We now talk about anything under the sun and I can now freely express myself. Even though there were times that our ideas don't meet, we are broadminded enough to accept each other's differences.

I love you, mom! Happy Mothers' Day. I am really thankful that you're my mom.

*** Jenn ***


9 comments:

Dragon Lady said...

pareho tayo! litrato din nang aking ina ang aking mga lahok... at meron ding kasama ako tapos ako pa rin ang kumuha nang litrato namin!

hehehe. :)

Tes Tirol said...

kyut naman ninyong dalawa :) haping-hapi


hapi mother's day!

Anonymous said...

...hapi mothers day...^_^

Anonymous said...

ang sweet naman! naiingit ako kasi wala akong pic na ganyan! :) happy mother's day sa kanya. pa-kiss na rin! :)*muah*

Meeya's Memes: LP Mga Mahal na Ina
Meeya's Finds: LP Mahal na Ina

Anonymous said...

ang ganda tingnan. yung mga teenager kong lalaki, mahiyain nang humalik sa akin ng ganyan... si bunso na lang ang walang kiyeme.

happy mothers' day sa inyo! :)

lidsÜ said...

such a sweet photo!
magandang araw sa'yo!

Anonymous said...

sweet :)

Anonymous said...

wow ang sweet niyo ng mamy mo.

Anonymous said...

Hi Jenn! Great to see that you've now grown closer to your mom. Am sure this closer relationship is one of the best mother's day gifts ever :)

Take care!

 
;