Thursday, June 12, 2008

Kalayaan



Villa Escudero Grounds

Una sa lahat, nais ko munang humingi ng paumanhin kay Pete. Ipininaalam ko kasing daratating ako sa EB ngunit di rin ako nakasama sapagkat ako ay nagkasakit (ang buong detalye ay mababasa dito). Pasensiya na talaga. Sana sa susunod na pagkakataon ay makasama na ako.

Ang tema ngayong linggo ay "Kalayaan." Napakatamang tema sapagkat ngayon ay araw ng kalayaan. Marami-rami rin akong nalitratuhang mga bandila sa mga araw na nakalipas, ngunit nung naghahanap ako ng isang litratong ilalahok ko para sa Litratong Pinoy, nakita ko ito at naisip kong mas magandang ito na lang ang isali ko.

Panigurado, marami ang maglalahok ng litrato ng bandila ng Pilipinas. Iyon kasi ang sumisimbulo sa pagiging malaya, pero mas ninais kong ilahok ito, para maiba naman. =) Pinili ko ito sa kadahilanang ang mga Katipunero ang ilan sa mga lumaban upang makalaya ang Pilipinas sa ilalim ng mga Espanyol. Bagamat natakpan ng bandila ang mukha ni Andres Bonifacio, at kahit ito ay iskultor lamang, ang mensaheng nais ipabatid ay kitang kita. Ang litratong ito ay kuha sa Villa Escudero noong ika-29 ng Marso taong 2008.

myspace backgrounds

English Translation:

First of all, let me extend my apologies to Pete. I told him I will be present at the EB, but I wasn't able to attend because I got sick (details can be read here). I am really sorry. Hopefully, in our next get together, I will be able to attend.

This week's theme is "freedom." A very timely theme since the country is celebrating its Independence Day. I got to take pictures with the Philippine flag in it, but while I was browsing my files for that one specific picture for this, I decided to post this picture instead.

For sure, a lot of the participants would post a picture of the Philippine Flag. And why not? The flag symbolizes freedom, right? But then I chose this picture to be a bit different. The Katipuneros were one of those many Filipinos who fought hard to achieve freedom from the Spanish regime. Although the Katipuneros' flag covered Andres Bonifacio's face and even if this is just scuplture, the message speaks loud and clear.

Taken 29 March 2008 on the grounds of Villa Escudero.

*** Jenn ***

16 comments:

Anonymous said...

tamang tama para sa "Araw ng Kalayaan"

 gmirage said...

Ang ganda ng anggulo niyan, makulay pa! Happy LP!

♥ mommy author ♥ said...

swak na swak! eto nga pala ang aking lahok: http://www.buhaymisis.com/2008/06/lp-kalayaan.html

Anonymous said...

nakatutuwang isipin na kahit sa simpleng pamamaraan ay napapahiwatig ang pagkamakabayan.

Unknown said...

Tamang tama ang bandila sa tema, KKK!

Tes Tirol said...

oo nga isa sya sa mga rebolusyonaryo nating dapat pahalagahan.

happy lp!

Anonymous said...

ito ang 'cute' na entry..angganda ng subject mo, makulay pati.

Happy Independence Day!

ayen said...

maganda ang larawan. di pa ko nakakapuntang Villa Escudero :(

Anonymous said...

Ang ganda ng mga kulay! Sayang at hindi ka nakapunta sa EB. Sana ay magaling ka na ngayon.

Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!

http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html

Anonymous said...

next time makakasama ka na niyan jen... :)

Anonymous said...

ang ganda naman, mabuti at kahit sa larawan ay nakita ko na rin ang villa escudero:)

sadako said...

maganda ang iyong larawan, makabuluhan

pumunta ka pala sa EB hehe. sayang nagbantay ako sa ospital sa lola ko, kaya di ako nakasama

ScroochChronicles said...

isa ako sa naniniwalang dapat si Bonifacio ang naging national hero natin dahil sa kanyang ginawa. sana ginawa nalang silang co-heroes ni JR ano

cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/

Marites said...

ganda naman ng pagkakuha! Happy LP!

Anonymous said...

Ang ganda, tamang-tama.

Anonymous said...

una sa lahat, gusto ko ang theme ng blog mo... pink at ang neat! :)

sana ay mabuti na ang iyong pakiramdam.

happy weekend!

Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan

 
;