Sa totoo lang, tatlong kasalan pa lang ang napuntahan ko, at sa tatlong pagkakataong iyon, wala pa akong camera kaya't ang litratong ilalahok ko ngayon ay hindi ko kununan, at ini-scan ko lang mula sa mga litratong narito sa bahay.
Kuha ito noong ika-21 ng Enero, taon 1978, sa simbahan ng Immaculate Heart of Mary sa UP Village, noong unang beses magpakasal ang aking mga magulang. Magkasintahan sila ng mahigit isang taon bago nagpakasal, at base sa mga kwento ng nasira kong ama, wala naman talagang pormal na ligawan sa pagitan nila. Maging ang desisyon na magpakasal ay wala ring pormal na proposal. Ang sabi ng aking ama, niyaya lang niyang pumunta sa City Hall ang aking ina at pumayag naman ito. Ngiti lamang ang sagot ng aking ina, kaya marahil totoo nga. =) Buhat sa parehong mahirap na pamilya, sila mismo ang gumastos para sa kasalang ito, kaya't nagsimula silang talagang kapos na kapos. Sa gabay ng Poong Maykapal, nakaahon naman sila.
Nagpakasal silang muli noong ika-25 anibersaryo noong taong 2003. Naputol ang kanilang pagsasama ng pumanaw ang aking ama mga isang taon na ang nakakalipas, pero ang lahat ay maayos naman. Sa ngayon, wala akong hinahangad kundi makahanap ng mapapangasawang katulad ng aking ama. Masaya akong mapabilang sa isang buong pamilya na mahal at ginagalang ang bawat isa.
English Translation:
Truth be told, I've only been in a wedding thrice, and in those instances, I still didn't own a camera, so what I am sharing is something I just scanned from our photos here in the house.
This picture was taken 21 January 1978, at the Immaculate Heart of Mary Parish in UP Village, the first time my parents got married. They were together for and a half year before they got married, and based from my late father's stories, there were no formal courtship between them. There wasn't even a formal marriage proposal from my father - he just asked mom if she wants to go to the City Hall and my mom just agreed. They were both from poor families, so they financed the wedding themselves (no help from either families). That is why they started from rock bottom the soon they became husband and wife. By the grace of God, they were able to overcome all obstacles.
They got married again on their 25th wedding anniversary in year 2003. Their marriage was halted when dad died over a year ago, but all is doing very okay with us, thank God. Right now, I am just hoping I could meet a man who's just like my dad. I am happy to be a part of this family.
*** Jenn ***
15 comments:
haaay, sana ay matiwasay lagi ang pagsasama ng lahat ng mag-asawa. napakapalad ng iyong ina sa iyong ama, at marahil gayundin ang iyong ama sa iyong ina upang magsama sila nang matagal!
wow nakakaaliw naman ang love story ng parents mo.. sana ay matagpuan mo na din ang hinahanap mp :D
salamat sa comment, jenn..
Bigas! Noon ay wala pang kakulangan sa bigas...hehe. Wag daw hanapin si Mr. Right baka makita mo si Mr.Left, darating n lang yun...=D
kaaliw naman ang kwentong pag ibig nila.
tama mirage2g...wala pang kakulangan sa bigas noon. pero maron pa ring gumagawa niyan magpahanggang ngayon.
ganda ng kwento nila...
masayang LP!
ako din love ko yung story ng mga magulang mo. :) lalo na yung sila mismo ang nagsumikap para gumastos sa sariling kasal. ibig sabihin lang nun, noon pa man napaka-responsable na nila. :) sabi mo nga, nakaahon naman sila so blessing na yun sa kanilang dalawa.
huwag kang mag-alala, darating din ang para sa iyo. *muah*
MyMemes: LP Kasalan
MyFinds: LP Kasalan
ganda naman ng love story. True love ika nga talaga ;)
Happy Lp kapatid :)
Jeanny
My LP#10
akala ko naman hinahanapan mo ng mapapangasawa ang iyong ina.. LOL! ako kasi oo! haha! mahirap kasi ang mag-isa ng habang buhay hindi ba? kung makakhanap lang din ako ng katulad ng aking ama para sa kanya...
ayos... pasensya na at ako'y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito... happy LP... :)
kay ganda naman ng love story ng mga magulang mo..at sana makahanap ka ng kabiyak na kasing bait ng yumao mong ama
maraming salamat sa dalaw sa blog ko ha..at happy weekend sa iyo :)
Ang ganda naman ng love story nila. Noon pa man ay responsable na sila kaya hindi nakapagtataka na naging maayos ang inyong buhay.
Maligayang araw ng Biyernes, Janu Jenn :)
Jenn, mejo nalungkot ako sa kwento mo nun pumanaw ang iyong ama. pero ganun pa man ay tiyak naging makabuluhan naman at punong puno ng pagmamahal ang kanilang pagsasama ng iyong ina. nagustuhan ko din ang kwento kung paano sila nagsimula. mabuhay LP! :)
Jenn, ang ganda naman ng love story ng iyong mga magulang. Kahit na saglit lang sila magkakilala eh matagal naman silang nag-ibigan.
Happy LP
PS: ang sarap ng halo-halo picture mo sa ibang post. yum!
ang saya ng mom mo sa photo. I'm sure they had a happy married life :)
Maganda ang istorya ng pagmamahalan ng iyong mga magulang. Nakakalungkot isipin na maraming mga kasalang hindi napunta sa maganda. Sana nga'y makakita ka ng magiging mabuting asawa para sa iyo:)
Post a Comment