Thursday, August 14, 2008

Liwaliw (Stroll)



Litratong Pinoy

Ang litratong ito ay kuha noong nakaraang Sabado. Noong araw na iyon, ang ilan sa mga miyembro ng Litratong Pinoy ay nagkita-kita para sa isang pagliliwaliw sa Intramuros. Mula Manila Cathedral (sayang at hindi kami nakapasok), kami ay pumunta ng Fort Santiago, pagkatapos ay sa San Agustin Church, at nagtapos sa Rizal Park. Talaga namang ang sakit ng paa at binti ko, pero masaya pa rin kasi nakilala ko ang mga taong ito. Gaya ng nasabi ni Pinky, pakiramdam ko "super close" na kami sa isa't isa. Sana magkaroon pa ng pagkakataon para tayong lahat ay magkita-kita rin.

Iba dapat ang litratong ilalahok ko para sa linggong ito - dapat ang ilalahok ko ay ang litratong kinunan ko habang tumatawid sa daan papuntang monumento ni Rizal, ngunit napag-isipan kong mas maganda kung makikita ang mga mukha ng mga nagliliwaliw. Isa na rin itong pagkakataon upang mapasalamatan ang mga taong nakilala ko noong araw na iyon. Kina Thess (salamat sa key chain), Ronnie, Lino, Arvin (at sa iyong kapatid), Jeff, Pinky, Keith, Girlie at Marie, maraming maraming salamat sa pagkakataon na makilala kayo. Sa uulitin ha?

Maraming salamat rin sa aking kuya na kumuha ng litratong ito.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

English Translation:

This picture was taken last Saturday, when some of the members of Litratong Pinoy met up for a stroll around Intramuros. From Manila Cathedral (too bad we weren't able to come inside because of a wedding), we went to Fort Santiago, then to San Agustin Church, and called it a day at Rizal Park. My feet and legs got really tired, but I am happy because I was able to meet these wonderful people. Like what Pinky said, I also felt as if we were all very close to each other. I really hope there will be another opportunity for us to meet.

I was supposed to post a picture I took of them while crossing the road going to Rizal's monument, but I decided to post a picture with our faces showing. It's also a way to thank them for a wonderful time. To Thess (thanks for the key chain), Ronnie, Lino, Arvin (and your sister), Jeff, Pinky, Keith, Girlie at Marie, thanks a lot for giving me the opportunity to meet you guys. Until next get-together!

*** Jenn ***

embraceLe Kultiszie Familie
Jenn Was HereShutter Happenings

18 comments:

Anonymous said...

Kelangan naming mapuntahan yan, para sa lesson ng mga bata.

Sayang hindi ako nakasama sa EB :(

Normz said...

Kayo naba yan? galing ninyo para kayong mga turista, siguro marami kayong larawan dyan..Happy LP..

Anonymous said...

sarap naman nyan! wish ko lang na nakasama ako, huhuhu :(

fcb said...

nakakapanghinayang at di ako nakadalo! plano ulit tayo ng susunod na EB! costume party kaya tayo sa halloween? :)

Anonymous said...

EB! :)

sayang talaga at di ako nakasama sa LP EB (kahit na di naman ako member, gusto ko pa ring sumama.. ^_^) ang saya nung naging liwaliw nyo nung Sabado.. :)

mukhang ang dami nyo ngang napuntahan eh.. dami rin kasing pictures ni arvin eh.. :)

Anonymous said...

great shot! mukang masaya :)

Anonymous said...

ey jen pareho tayo ng post, yung mga pics naten... :) nice meeting you.... :)

Unknown said...

wow! ang galing ng group pic nyo. i'm sure you all had a great time.:D

Anonymous said...

ang saya naman ng EB! nakakainggit! :)

happy huwebes!

Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas

magiceye said...

looks loke everone had a great time! was it a photography tour?

Anonymous said...

nice ... looks like everyone had a fun time! :)

Jeprocks said...

Don't get me wrong... ginagaya ko lang ang posing ni rizal jan... astiggg... etong sa akin http://jeprocksdworld.com/pagbabalik-loob-lp-nakaka-aliw-na-pagliliwaliw/

yvelle said...

ang saya naman! maligayang pagliliwaliw!

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-20-liwaliw-sa-disneyland-paris.html

Anonymous said...

sikat na sikat na ang inyong grupo, hehe. lahat yata ng umattend sa EB kayo ang lahok for this week's LP, hehe. :)

tama na ang pang-iinggit, please? hahaha!

LP Liwaliw sa MyMemes
LP Liwaliw sa MyFinds

Anonymous said...

mga litratistang pinoy para sa litratong pinoy :)

marie said...

ang say! sana may part 2

heartcaptures said...

saya nyo talaga tingnan sa lahat ng pics. :)

Anonymous said...

Masaya ang pagliliwaliw lalo na kung makakasama ang mga taong magkakapareho ng interest at passion. Happy LP everyone

KD
www.luminosity.kadyo.com

 
;