Thursday, August 21, 2008

Mithi (Wish)

Sa totoo lang, napakarami kong minimithi sa buhay. Magmula sa mga materyal na bagay, hanggang sa mga bagay na tanging kapalaran lang ang makapagsasabi, ang listahan ng bagay na nais kong makuha ay tunay namang napakahaba.

Noong nakaraang Sabado, ako at ang aking pamilya ay lumabas upang magliwaliw at mamili ng ilang mga gamit sa bahay. Dapat sana'y aakyat kami sa ika-tatlong palapag ng mall sapagkat doon makikita ang mga ilan sa mga materyal na bagay na minimithi kong makamit - laptop, dslr camera, at kung anu-ano pang "techie" na bagay. Ang aming ina ay nagmamadali na ng mga oras na iyon, kaya't hindi na namin pa nagawang kumuha ng litrato ng ilang mga bagay na pwede naming ilahok para sa linggong ito.

Merong isang bagay na ibinibenta sa loob ng supermarket na minimithi ko ring mabili (hindi dahil sa wala akong pambili, hindi ko ito mabili kasi hindi ko alam kung paano iuuwi, wala naman kasi kaming sasakyan) - isang study table na may cabinet sa gilid, ngunit masyadong masikip ang lugar at hindi maganda ang pagkakakuha ko ng litrato. Akala ko noong araw na iyon mabibigo akong makakuha ng litrato para sa linggong ito, ngunit ng madaan kami sa ilang tindahan, nakaiisip na rin ako ng pwede kong ilahok sa linggong ito.



Stare

Mannequins

Hindi man ito kabilang sa mga una kong minimithi - siguro kung gagawa ako ng listahan ng 100 bagay na minimithi ko sa buhay, siguro makikita ito sa kailaliman na ng listahan, ngunit isa pa rin naman ito sa minimithi ko, ang makapagsuot ng ganito ka-sexy na damit. Alam ko, nasa sa akin rin naman kung talagang gugustuhin kong magsuot ng ganitong damit, pero siyempre, hindi rin iyon ganoon kadali. Kailan nga ba ako makapagsusuot ng ganito? Hmmm....

... siguro kailangan ko ng karir-in si Hip Hop Abs. Nyahahahaha.

Pero seryoso, ang pagiging sexy ay nasa dulong bahagi na ng mga mithi ko sa buhay. Sa ngayon, masaya naman ako sa aking sarili, at alam kong kahit hindi ako tanggap ng karamihan, masaya akong may iilan na tinatanggap ako bilang ako. Kung tatanungin ang aking unang sampung mithi sa buhay? Ito ang isasagot ko: 1 - na ang aking pamilya ay laging nasa ayos, 2 - magkaroon ng lakas at determinasyon upang solusyonan ang mga problemang darating sa aking buhay, 3 - matutunan ang mga bagay kung saan ako ay mahina, 4 - magkaroon ng kasintahan na siyang magiging kabiyak ko - isang kabiyak na lubusan akong mamahalin, 5 - magkaroon ng kahit isang anak, 6 - magkaroon ng sapat na kakayanan at lakas ng loob na palaguin ang kapirasong lupang ipinamana sa aking ina, 7 - makarating sa lahat ng probinsya ng Pilipinas, 8 - makabili ng DSLR, 9 - na ang relasyon ko sa aking pamilya, kamag-anak at mga kaibigan ay lalo pang lumalim, at 10 - makasulat ng isang aklat.

{Salamat nga pala sa aking uber bait na kuya para sa unang litrato. Hindi po iyan "stolen shot," talaga pong planadong ganyan ang posing. =) Una ko kasing nilitratuhan ang mga manekin, at naisip naming para maipakita ang "mithi" sa likod ng mga damit na suot ng manekin, iminungkahi ni kuya na kunwari nakatanaw lang ako sa labas ng tindahan.}

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

English Translation:
Truth be told, I have so many wishes in life. From material things to something a little deeper, the list is truly long.

Last Saturday, me and my family went out to stroll around the mall and to do grocery shopping as well. We were supposed to go the third floor because that's where we could see some of the things I wish to own - laptop, dslr camera, and other techie stuffs, but mom was rushing us, so it didn't materialize.

There's this one thing inside the supermarket that I wish to buy, a study table with cabinets on the side. Not that I don't have the money to buy this, the thing is, I don't know how to take it home because we don't have a car. Anyway, I did take a picture of it, but the space was too small and the picture didn't look appealing. At that time, I thought I won't be able to take something for this week's theme, but as we make our way out of the mall, I was able to see something I could share.

This may not be in my top list of wishes - if I were to asked to write my 100 wishes, this will be in the bottom part - but the thing is, it's still a wish for me to wear something sexy like what was pictured. I know, it's all up to me, but really, it was easier said than done. When will I be able to wear something like this? Hmmm...

... I guess I should start doing more Hip Hop Abs. Nyahahahaha.

But seriously, being sexy is written at the end of my wish list. At this point in time, I have come to love myself and I am happy being me. I know there are some people who doesn't approve of me, but I am already happy that there are a few people who have come to accept me for who I am. If I will be asked what my top 10 wishes are, I will answer -- 1. that my family is always okay, 2 - to have the strength and determination to come up with solutions to the problems that will come my way, 3 - to learn things, 4 - to have a boyfriend who will eventually become my husband - a partner that would love me so much, 5 - to have at least one child, 6 - to have enough knowledge and strength to flourish the land my mom inherited, 7 - to visit all the provinces of the Philippines, 8 - to buy a DSLR camera, 9 - that my relationship with my family, relatives, and friends deepen, and 10 - to publish a book.

{Big thanks to my brother for the first picture. It's not a "stolen shot," okay? We planned to have that shot. I actually took the mannequin picture first, but to show the wish behind the mannequins, brother suggested I pose like a person staring at the mannequins from outside of the store.}

*** Jenn ***

embraceLe Kultiszie Familie
Jenn Was HereShutter Happenings

24 comments:

sweetytots said...

naway makamit mo ang iyong mga minimithi

Masdan po ang aking mithi sa lahok ko at gusto ko sang hingin ang inyong suporta, ako po ay nasa Top Momma prin! Magtatatlong araw na ako dito. Sana ay suportahan nyo ko sa pamamagitan ng pag click sa Top Momma Icon na makikita sa aking lahok at i-click muli ang litrato ng aking anak na gaya ng larawang ito na makikita sa TopMomma.com

Salamat at inaasahan ko po ang inyong suporta.

shutter happy jenn said...

Salamat Architect! Sige, susuportahan kita!

arvin said...

Sige lang, strut! stretch! Flex those muscles! Yeah!!! Tinigilan nga nung ate ko yan e, haha. Natatawa lang naman ako sa kanya 'pag sinasabayan niya. Lagi ko kasing siansabihan na ang lamya niya, dapat more energy!:D

shutter happy jenn said...

Hehehehe... minsan kasi, talagang nakakahiya pag makikita ka ng pamilya mong sumasabay sa exercise sa TV. =)

Anonymous said...

uy effective ang hiphop abs ha! basta araw-arawin mo lang. ;) walang impossible!

linnor said...

mahalaga ay healthy :) kahit sexy kung anorexic naman, parang walang saysay din. :D

Anonymous said...

nagustuhan ko ang pagka-candid mo sa paglilista ng iyong mga mithiin. :) natural talaga ang magkaroon ng marami nito, malaki man o hindi.

Anonymous said...

Walang imposible kung gagawa ng paraan :)

Kaya mong matupad ang mga mithi mo :)

Anonymous said...

pwede naman tayong maging sexy kahit nde magsuot ng ganyan kaliliit na damit, basta kaya mong magdala at komportable ka sa suot mo, sexy na rin yun di lang sa paningin mo pati na rin sa mga taong nakapaligid sayo, just be yourself! :)

JO said...

hanggang pangarap ko na lang ang makasuot ng ganyang mga damit.

Ito ang aking lahok. Salamat.

Dyes said...

1-2-3 Here we go. nag-hip hop abs din ako! hahaha! at para hindi pagtawanan, sabay kami ni hubby :)

kaya mo yan!

Bella Sweet Cakes said...

Magaganda nga ang mga damit ,,,
hay naku ,, kaya mo yan...
Eto naman ang sa akin http://aussietalks.com/

Jeanny said...

aero dancing effective :)

Happy LP :)

Anonymous said...

haha, ako rin minsan pag napapatapat sa mga shops na puro pang-payat na tao, napapaisip din ako kugn kelan kaya ako magkakasya sa mga damit nila, hehe.

pero tulad mo, hindi naman pagpapasexy ang una sa aking list. bukod sa love naman ako ng asawa ko kahit may banaue rice terraces sa tyan ko, e masarap talaga kumain, haha!

besides, mental naman ang konsepto ng sexy. just work it! :)

Mithing Paghimbing sa MyMemes
Mithing Pagpanalo sa MyFinds

agent112778 said...

nako po :) walay me say adding :) baka pag sexy kana di mo na ako kilala :(

fortuitous faery said...

jenn, sabi nga nila...sexiness is a state of mind!

problema lang sa mga tindahan ng damit dyan sa pinas, (based on personal experience) super liit ng sizes ng damit. kahit LARGE, maliit pa rin. dito sa amerika, maraming sizes ang available...so sigurado kang may size ang tipo mong damit.

be proud of your body...express yourself! (wow, madonna? hehe)

Anonymous said...

love thyself, eka nga nila. dba? happy thursday ;)

Anonymous said...

hehe, nice jenn... pasensya na at nahuli ako... :)

Marites said...

wow naman, ganda ng pagka-choreographed. pero ha, as long as healthy ka at walang sakit, ok na yan. happy LP! eto ang aking lahok..http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/08/litratong-pinoy14-mithi.html

Anonymous said...

I like your entry jenn, di ako nainip magbasa bagkus ako'y naaliw. naks! Ang mithi ko? sana matupad ang lahat ng mithi mo.

 gmirage said...

Belly dancing tayo!

Mithi ko din na matone ang mga fats ko kaya sa gym naman ang destinasyon ko....ay sana....me kinalaman sa post ko yan, sa paraisong lupa, perperktong tao na tayo kaya doon sigurado sexy na! =D

Anonymous said...

halika..mag-yoga ka..sasamahan kita. walang masama kung mithi mo ang makasuot ng ganyang klaseng damit. ang importante ay nasa tamang kalusugan ka at maligaya. tara na! susuportahan kita :D

celia kusinera said...

Kayang kaya mo yan, Jen. Bata ka pa kaya madali kang makakabawas ng timbang at makamit mo ang minithing damit. :)

Ibyang said...

sana matupad lahat ng iyong mga mithiin...good luck sa pagpapa-sexy! :)

salamat sa pagdalaw sa aking lahok.

 
;