Thursday, October 30, 2008

Kadiliman (Darkness)

And I am back from my short vacation. Four days of nothing but roaming around, but I could say it was well worth it, and I was so happy with the things I have done last week.

{At ako'y nagbalik mula sa aking maiksing bakasyon sa probinsiya ng aking ama. Apat na araw na puno ng lakaran ngunit masasabi kong ganap ang aking kasiyahan na magawa ang mga bagay na nagawa ko noong isang linggo.}

This week's theme is "darkness," and because my siblings and I plan our LP entries ahead of time (to prevent same entries), I was a bit confused what to share for "light" and "darkness," since both themes are pretty much the same in some ways. Since my brother decided to post the brown-out picture he had for this week's theme, I decided to use my brown-out picture last week and just find other pictures for this week.

{Ang tema ngayong linggo ay "kadiliman," at dahil kami ng aking mga kapatid ay pina-plano na ang aming mga lahok ilang araw pa bago ang takdang tema (para walang gayahan - ngunit hindi rin maiwasan), bahagya akong naguluhan kung ano nga ba ang aking ilalahok para sa "liwanag" at "kadiliman." Medyo pareho ang tema, kaya noong sinabi ni kuya na gagamitin niya ang "brown-out" na litrato para sa linggong ito, ginamit ko na lang ang aking "brown-out" na litrato noong nakaraang linggo at humanap na lang ng iba para sa linggong ito.}


Callao Caves

Callao Caves

These pictures were taken in Callao Caves, in Penablanca, Cagayan. Last May, I went on a road trip with my aunt and her high school friends and because we will be sleeping in the house of their another friend in Tuao, Cagayan, we went to the caves first.

{Ang mga litratong ito ay kuha sa loob ng Callao Caves sa Penablanca, Cagayan. Noong Mayo, sumama ako sa "road trip" ng aking tiyahin at ng kanyang mga kaibigan noong high school, at dahil kami ay matutulog sa bahay ng isa nilang kaibigan sa Tuao, Cagayan, kami ay dumaan muna sa Callao Caves.}

From Banaue, Ifugao, we traveled all day and getting in the caves was a very difficult task because one must climb a 194-step stairs before reaching the caves. Honestly speaking, I really thought I wouldn't be able to make it. When we reached the caves, I was so tired, sweaty, and I felt as if my heart would come out of my chest! But truly, one must endure first before sowing seeds of triumph, and when I reached the top, I was ecstatic!

{Mula Banaue, Ifugao ay nagbiyahe kami ng pagkatagal-tagal, at ang pagpunta sa loob ng caves ay talaga namang napakahirap. Una sa lahat, kinakailangan mong akyatin ang 194 steps ng hagdanan, at sa totoo lang, akala ko nung una ay hindi ko talaga kakayanin. Pagdating sa caves, sobrang pagod na ako at ang aking puso ay gusto ng lumabas sa dibdib ko! Pero, talaga namang kinailangan munang maghirap bago maranasan ang kasarapan, at nang marating ko ang loob ng caves, "super fulfilled" na ako!}

It was very dark inside, and if you won't be using your camera's flash, you'll really have a hard time photographing the place. I had problems with my camera's settings at first because all pictures came out blurred. Good thing I was able to get the right settings. The cave is spacious as well, and if you're someone who's not afraid of the dark, you can really explore the place good. I wanted to do just that, but my aunt didn't allow me to go far because the soil might be damp, or I might not be able to see the path I was walking and I might have an accident.

{Madilim sa loob, at kung hindi ka gagamit ng flash ay mahihirapan kang kunan ng litrato ang loob. Noong una nga ay nahihirapan ako sa settings ng aking camera dahil laging blurred ang mga litrato, ngunit naayos ko naman bandang huli. Malawak ang loob ang caves, at kung hindi ka talaga takot sa kadiliman ay mae-explore mo ng mabuti ang lugar, ngunit ang aking tiyahin ay binilinan akong huwag masyadong lumayo dahil baka malambot ang lupa o di kaya naman ay hindi ko makita ang aking hinahakbangan at baka ako ay madisgrasya pa.}

The first picture was taken at the top part of the caves (my aunt scolded me for being so far from her eyesight). That's her high school friend and her niece and nephew on the picture. A not-so-good shot, but I was really proud of this picture, and I consider it as my favorite among all the pictures taken in this place. The second picture was the "underground church," which can be seen by the entrance. The altar has a stalactite or stalagmite formation that looked like Virgin Mary, so maybe that's the reason for having a church inside.

{Ang unang litrato ay kuha ko sa parteng taas ng caves (ako ay medyo napagalitan ng aking tiyahin dahil sobrang layo ko na raw). Ang mga nasa litrato ay ang kaibigan nga aking tiyahin at ang kanyang mga pamangkin. Hindi gaanong malinaw, pero ito ang pinakapaborito kong litrato mula sa lugar na ito. Ang pangalawang litrato naman ay ang "underground church" na makikita sa bungad lamang ng caves. Sa altar nito ay may mga stalactite or stalagmite formation na kamukha ng Birheng Maria, kaya siguro ginawan ng maliit na simbahan dito.}

For more information (and pictures) from this place, please check out JennWasHere, my travel blog.

{Sa dagdag kaalaman, puntahan niyo na lang ang JennWasHere, ang aking travel blog.}

*** Jenn ***

23 comments:

Anonymous said...

ang ganda ng contrast ng liwanag sa madilim na kalangitan. kung tatanggalin ang kahoy sa unang larawan...parang kayo'y nasa buwan.

salamat sa pagbisita.

Anonymous said...

lova the first pic jen... good shot...happy huwebes... :)

fortuitous faery said...

wow, adventurous ang pasyal mo sa kuweba! lagi akong nasa cagayan valley noon (piat) para magdasal sa simbahan, pero di kami nagawi sa mga kuweba. laging dasal ang pakay, para pumasa sa mga eksamen...haha!

lidsÜ said...

ang gaganda! at talagang madidilim!

magandang huwebes sa'yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/10/lp-31-kadiliman.html

agent112778 said...

ako dapat ang kasama dito di ikaw :((

sweetytots said...

ganda ng unang picture,, sana may stars para mas maganda! Silipin nyo rin ang lahok ko.. ang litrato ng anak ko sa kadiliman...naway matakot ko kayo! Ang aking Lahok
"sa kadiliman"

Bella Sweet Cakes said...

ang marami ng naratig na lugar na si Jenn!!!! sasabihin ko sana laboy ka e... ok lang ba???? pero mabuti yon kasi nakarating ka na sa ibat ibang lugar sa pinas... ako konti lang napuntahan ko dyan.. kaya naman bumbawi ako dito sa Aus.. kasi meron akong financier ang aking asawa!! ha ha ha..
I always like visiting you Jenn... see yah take care

♥peachkins♥ said...

Gusto ko yung picture sa loob ng cave....



Nandito po ang sa akin

happy LP!

Anonymous said...

Nice one, Jen. Medyo ako eh matatakot sa ganyang kweba... talagang walang kahit anong natural light. ang dami siguro ng panike diyan no.

ginagamit ba talaga ang simbahang iyan? siguro hindi at hagdanan lang pataas diyan eh patay ka na!

Anonymous said...

Gusto ko ang unang kuha - ganda ng contrast at maliwanag ang mga hugis ng tao against the dark background.

Buti ka pa at ang dami mo nang napuntahan sa Pilipinas - ika nga, huwag maging dayuhan sa sariling bayan, di ba? ;)

Marites said...

haaay! isa sa mga lugar na gustong-gusto kong puntahan pero hindi matuluy-tuloy. Nainggit tuloy ako sa iyo pero hindi ko alam na kailangan pa palang maglakad ng malayo-layo para abutin ang mga kuwebang ito. Pareho tayo, gusto ko ang unang litrato. Parang ang mga tao'y nasa kawalan.

Anonymous said...

Amazing pics jenn! selos si kuya mo oh, dapat sya daw kasama he he

I'm amazed at the church inside the cave. I've been to one here for many times in the past and planning on visiting again late this year.(hala nagkwento na!)

Happy LP!

Dr. Emer said...

Tunay na napakadilim at angkop na angkop sa tema natin ngayon.

Happy LP!

Anonymous said...

ang ganda! isa yan sa mga lugar na gustong-gusto kong puntahan. :) great shots jenn!

Kadiliman sa MyMemes
Kadiliman sa MyParty

marie said...

Naku di ko kaya nakakapagod. Ganda ng mga pics. Happy LP.

Anonymous said...

Our family has been there three years ago. Maganda alto we felt sad because the government seal was vandaled. Hay talaga naman...

Eloise said...

aayy nakapunta na ren ako sa callao cave!!! maganda talaga jan at malamig sa loob ng cave. hanggang second chamber lang kami kasi magdidilim na ren nun sabi nung bantay madami daw paniki. shempre natakot kami...hehehehe

happy lp

Nina said...
This comment has been removed by the author.
Nina said...

wow, I wanna go this place some time!

inyang said...

ganda ng photo pero kakatakot s loob ng cave

Anonymous said...

salamat uli jen sa pagdalaw sa aking mga lahok sa linggong ito.

RoseLLe ng Liau at Reflexes :)

Maver said...

ay ang ganda! sayang di ako nakapunta nung nag tuguegarao ako early this year!

Anonymous said...

gusto ko tuloy bigla magpunta sa mga caves dito sa amin. may mga caves kasi dito sa texas na pinupuntahan ng mga turista. :) sa thailand naman ako nakaexperience ng pagpasok sa cave. pero hindi naman yung nakakatakot! :D

 
;