Thursday, November 13, 2008

Kinagisnan



Tagbilaran Port

Nasa bakasyon ako noong nakaraang linggo, grabe na-miss ko kayo lahat!

{I was on vacation last week, and boy, I missed you all!}

Medyo hirap ako sa aking bokabularyong Filipino, kaya ang tagal kong inisip ang aking lahok para sa linggong ito. Akala ko hindi na naman ako makakasali ngayong linggo, pero kagabi, habang nasa jeep ako, dumaan ang sinasakyan ko sa isang squatters' area, at naisip ko bigla ang tema ng LP. Sayang nga lang, cell phone lang ang dala ko, at gabi na rin noon, kaya hindi ko na rin makukuhanan ng litrato.

{I am not good in Filipino vocabulary, so I had quite a hard time thinking what my entry will be, but last night, the jeep I rode on passed by a shanty area and I thought about this week's theme. I wasn't able to get a picture of it, though, because I only have my cell phone with me.}

Sa paglipat ko ng mga litrato mula sa aking cell phone papunta sa aming kompyuter, nakita ko ang litratong ito na tumugma naman sa gusto kong ilahok para sa linggong ito. Kuha ito sa pier ng Tagbilaran City, Bohol habang kami ng kaibigan kong si K ay papuntang Dumaguete. Mula Bohol, minarapat na lang naming sumakay ng maliit na barko para naman maranasan ko ring magbyahe sa katubigan.

{While transferring the picture files from my cell phone to our computer this morning, I took a notice of this image I took that seemed to fit the image I wanted to show for this week. This picture was taken last Sunday in the Tagbilaran City port when my friend K and I were heading to Dumaguete. From Bohol, we decided to just take a small ship so I could experience travelling by water as well.}

Nang makita ko ang mga taong ito na nakasakay sa bangka at nagmamakaawang humingi ng kaunting limos sa mga pasahero, nahabag ako. Mas lalo akong nahabag sa mga kawawang mga bata, na sa mura nilang edad, kahirapan na ang kinagisnan nilang buhay. Ngunit, nahahabag nga ako sa kanila, pero sa isang banda ako ay naiinis rin lalo na sa mga magulang ng mga bata dahil alam na nga nilang mahirap ang buhay nila, nakukuha pa nilang magluwal ng inosenteng bata na hindi sila sigurado kung kaya nga nilang bigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga anak.

{When I saw these people in small boats asking for alms, I felt pity for them, especially for the kids who were brought up in such conditions. On the other hand, I feel a little angry to the parents, who already knew they were living in poor state, yet they still choose to give birth to innocent kids whom they can not give good life.}

Wala na akong ibang maisip gawin kung hindi ang bumuntong-hininga.

{I can only sigh about it.}


14 comments:

Marites said...

marami din niyan dito, kakaawa nga masyado. may bata pa akong nakita na mga 2 taon lang ang gulang..ang daming sugat sa noo! naku! nasabihan ko ang nanay na umuwi at huwag painitan ang ulo ng bata! susme! maligayang pagbabalik sa iyo! :)

Ibyang said...

welcome back!

hayyy, kung mayaman lang ako, kukupkupin ko yung iba dyan. kaso hindi, kaya mag-pray na lang ako for them.

ibyang
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-kinagisnan.html

Anonymous said...

Hi Jenn!

Mukhang blond yung karga nyang bata..

nakagisnan na rin talaga natin ang ganyang eksena, akala ko sa kalye lang, ngayon pala pati sa katugiban ay meron na!

Happy LP :)

Anonymous said...

nakakaawa naman! nakagisnan ko ring nakakakita ng mga nangangailangan. pero kahit ano namang tulong ang ibigay mo, hindi naman sila aangat kung hindi nila tulungan sarili nila. sana'y gumaganda naman ang kanilang buhay.

Anonymous said...

masakit mang isipin pero marami sa ating mga kapatid ang ganyan. reality yan sister, kaya magpasalamat na lang tayo na iba ang kinagisnan natin :)

Anonymous said...

talagan nakakalungkot isipin ang kanilang kapalaran...hay!!!!!!

salamat po sa pagdalaw sa aking mga lahok Reflexes at Living In Australia

Anonymous said...

hey, welcome back Jen :-)
nakakaawa nga talaga ang mga batang lansangan and I agree with you, bakit kasi ang mga magulang nila walang kontrol ano?
I also blame the government for not helping them enough.
Happy LP sa yo and I added you to my blogroll, hope you don't mind :-)

JO said...

nakakalungkot ngang tignan ang mga batang lansangan... sana matulungan sila ng gobyerno.

Eto ang aking lahok. Salamat.

Joy said...

Nakakalungkot nga talaga.

Salamat sa pagdalaw sa LP ko ha!

 gmirage said...

Hallo Jen! Naku kawawa nga sila, wala talagang gobyerno ang makagagawa ng total na kabutihan para sa lahat hehe. Kalungkot...

Anonymous said...

Nakakalungkot man isipin ngunit isa lamang ito sa mga realidad ng buhay.

Tamang edukasyon lang ang nakikita kong sagot pero pano nga naman sila makakabangon kung pati pagkain ay hindi sila makabili.

Mahirap din naman kung ang laging aasahan natin ay ang gobyerno.

Sana lang matulungan natin sila kahit sa munting paraan lang.

Cheers!

agent112778 said...

wag ka ang galing sumisid nyan, kahit madumi at marumi yung tubig makikita nila ang piso sa dagat :)

susyal pa nga yan, yung nasa port area manila lalo nasa pier 2 & 4 naku :(

Frances Baja said...

ang ganda kulay! lumitaw talaga!

burstimpression.blogspot.com

Anonymous said...

nakakalungkot ang makagisnan ang kahirapan. sana nama'y may magandang kinabukasang naghihintay sa mga batang ito.

 
;