Thursday, November 20, 2008

Madumi (Dirty)



Rubbish

Nahirapan ako mag-isip kung ano ang ilalahok ko ngayong linggo, kasi parang ang hirap kumuha ng litrato ng isang bagay na medyo negatibo, at ngayon ko lang napansin na sa dinami dami ng litrato ko sa mga files, wala akong makitang babagay sa tema ngayong linggo.

Kaya, minarapat kong pumunta sa talipapa sa labas ng subdibisyon kung saan kami nakatira dahil iyon lang ang naiisip kong tutugma para sa tema. Ilalabas ko na rin ang galit ko kasi isang magandang bagay nga ang magkaroon ng isang palengke malapit sa tinitrhan namin kasi siguradong laging sariwa ang aming kakainin, pero nakakairita lang ang makita ang bulto-bultong basura! Tuwing bababa ako sa jeep, nahihiya ako kasi ang baho talaga! Maka-ilang beses na ring naireklamo ito, pero ganoon pa rin lagi. Hay... ano kaya ang pakiramdam kung ikaw ay nag-aaral sa eskwelahang iyan?

*** Jenn ***

12 comments:

♥♥ Willa ♥♥ said...

sayang lang ang bayad sa isang private school na ganyan naman ang makikita sa labas, how much more sa loob?
LP#8:Madumi

Anonymous said...

saan ang lugar na ito? nakakalungkot naman na napabayaan ang basura. nakakatuwa rin na may dumadaang nakamotor sa harap ng iyong kamera pagka kuha mo. naging maaksyon lalo ang larawan. magandang lp!

dalawin mo sana ang aking lahok http://jher.wordpress.com/2008/11/20/litratong-pinoy-34-madumi/

Tanchi said...

nakaklungkot isipin na hindi pa ginagawan ng kilos yan

maligayang LP

http://monkeymonitor.blogspot.com/

Anonymous said...

nakakainis isipin na ang tamad tamad ng ibang mga tao. ultimo pagtapon ng basura di nila maayos.

Four-eyed-missy said...

Pwede sigurong ipa-Citizen Patrol yan!!

Anonymous said...

Kawawa naman ang mga mag-aaral dun sa paaralang iyan. Bukod sa mabahong amoy, dala ng basura ay sakit mula sa mga insekto at tubig.

Anonymous said...

Awww ang sakit sa mata at ilong nga nyan :=(

Jenn, idol na talaga kita sa photography! Bilib ako sa iyo at sa P&S mo, lalo na sa mga pictures mo. I've seen you in action at naku marami kang pinapataob na ang gamit ay dslr...kasi may puso ang mga shots mo kaya basta, keep it up!

Anonymous said...

ang galing ng iyong pic, tamang tama sa tema :-)
a 100% eyesore and I can just imagine the smell in that area, yikes!

 gmirage said...

Nakakalungkot yan isipin, bakit sa pinas ang pinoy di disiplinado, pag dating sa ibang bansa ok naman, nagtatpon ng maayos?

=(

ay thanks palasa pagdisplay ng ad ko hehe!

Joe Narvaez said...

Nakupo! Mabagsik na basura.

Ito po ang lahok ko.

Anonymous said...

minsan kelangan pa muna ipa-citizen patrol para ma aksyunan.... :)
pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip ang aking lahok... :)

purplesea said...

hay nakakairita naman yan. bakit naman dyan pa nagtatapon mga tao e kita na nga nilang di na nililinis. Minsan, di lahat ng sisi nasa gobyerno. nasa sa atin din. Tapos pag may nagkasakit, kung kani-kanino sinisisi. eye-opener ang post mo jenn ha.Send mo kaya link sa local government nyo? hehehe

 
;