Thursday, December 04, 2008

Eksayted (Excited)



Hello, Telephone?

Hay... akala ko wala na akong entry ngayong liggo! Nahirapan akong mag-isip kung ano'ng ilalahok ko ngayon kasi si kuya, nakuha na ang excitement ng aming trip papuntang Cebu sa susunod na taon, ang ang bunso kong kapatid ay nakuha na ang excitement ng aming pusa sa kanilang pagkain. Parang naubusan na ako ng pwedeng ilahok ngayong linggo!

{I really thought that I won't be having an entry for this week! I really had a hard time thinking what to share for this week's theme because my brother has already taken the topic of blogging about our trip to Cebu next year, and my sister has already taken the picture of our cats being excited about their dinner. It seems I already ran out of topic to blog about!}

Kani-kanina, noong tumunog ang cell phone ko, parang tumalon ang puso ko (drama), at naisip ko, eto na ang litrato ko para ngayong linggo! =) May isa akong missed call kasi 'di ko kaagad nakuha ang camera kaya sinabihan ko siyang tawagan akong muli.

{Just a while ago when my cell phone rang, my heart skipped a beat, and thought that I already have my photo for this week! =) I had one missed call because I wasn't able to get the camera right away, so I asked him to call again.}

Nakilala ko si Alvin noong isang linggo, at noong nakaraang Linggo, niyaya niya ako sa isang lunch date. Masarap siyang kasama at sobrang sweet. Unang date pa lang namin, ginusto na niyang makilala ang aking ina (inihatid niya ako sa bahay) upang makausap ito, pero sayang wala si mommy sa bahay. Pero nakilala niya ang bunso kong kapatid. Araw - araw, masasabi kong nae-excite ako kasi makakatanggap na naman ako ng tawag mula sa kanya.

{I met Alvin last week, and last Sunday, he asked me out on a lunch date. I had fun spending time with him because he was so sweet. It was just the first date, but he already wanted to meet my mom to talk to her, but sadly mom wasn't home. He was able to meet my little sister, though. Everyday, I am excited because I will be getting a call from him again.}

Hindi ko pa alam kung saan hahantong ang tawagan at pagte-text at paminsan-minsang dates, pero kung ano man, sana maging maayos ang lahat.

{I still don't know where the phone calls, text messages, and dating would lead, but whatever it is, I am just hoping all will be fine.}

*** Jenn ***

23 comments:

Tanchi said...

cool...goodluck sa inyo ate jenn:)

cakesandladders said...

uy ang cute naman ng lahok mo! exciting talga iyan, ka-miss tuloy! salamat sa dalaw:)

misispb said...

uy... love life? haha...

ian said...

hahaha your entry is the best i think sa lahat ng mga na-bisita ko so far! ang saya namang maging saksi sa isang umuusbong na pagtitinginan! yeeeheeee salamat sa pagbabahagi ha! sana huwag namin ma-usog hahahaha

sweetytots said...

wow.. exciting nga..

AC said...

Mukang napaaga yata ang araw ng mga puso. Exciting abangan ang susunod na kabanata.

Ibyang said...

uyyyyy, kilig naman yan :)

exciting ang buhay pag lovelife ang concern hehe.

jennyL said...

uy exciting ito Jen.. good luck sarap pag may laging call sa cp..

eto akin
http://jennytalks.com/2008/12/litratong-pinoy-excited.html

Jes said...

ahahha wow nakaka eksayt tlaga ang mga moment na ganyan, naalala ko tuloy nung ako'y nasa ganyang stage p lamang ehehehe =)
ito po ang aking lahok:

http://ishiethan.blogspot.com
http://jeslising.blogspot.com

happy LP!

Moonlight-Mom said...

aha! kakaiba ang excitement na yan ha. hihihi... may halong kilig factor.

Junnie said...

nakakaeksayt ang kuwento mo...sana nga humantong sa kasalan. este...sa pakikipagkaibigan...

mirage2g said...

Kilig!

talagang nkakaexcite ang mga unang dates at pagkikilanlan. aabangan namin ang susunod na kabanata...

luna miranda said...

uyy, exciting nga yan! kinikilig ka siguro no'ng tumawag sy'a no? :D

Thess said...

Nakakakilig! ha ha ha! Natawa ako kay Ian..oo nga naman sana wag namin mausog (^0^)

Stay Happy, Jenn!

julie said...

Ay! excited din ako para sa iyo :D At kilig pa, ahihihi...

Mitch - Etc Atbp said...

Kakilig naman! I'm sure pag nabasa ni Alvin ang lahok mo kikiligin din yun hihih!

juleste said...

uy... exciting yang 'eksayted' entry mo ha :-)

malamang may made-develop 'jan hehe

happy lp!

Familia Khuletz said...

nakaktuwa talaga ung entry mo.. hahah..

gudlak!!

salmat sa pagbisita

raqgold said...

ay, kilig moments!

bertN said...

Looks like a wonderful beginning, good luck to both of you!

Before you get really serious - check his wallet and make sure it is the picture of his mom who is in there LOL. Just kidding.

Pinky said...

Naku, napaka-exciting nga ng ganitong stage ng relationship! Good luck at ingat lang!

lino said...

ayos....

pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip po ang aking lahok... :)

Munchkin Mommy said...

uuuuy, eksayting ang ganiyang stage! nakakakilig! good luck sa inyo! :)

 
;