Thursday, January 22, 2009

Kahel (Orange)



Birds of Paradise

Balik na ako sa mga bulaklak ngayong linggo... =)

{Back to flowers this week. =)}

Sa pagkakaalam ko, ang bulaklak na ito ay tinatawag na "birds of paradise," pero hindi ako ganoon ka-sigurado. Kuha ito noong Nobyembre sa Silliman University (Dumaguete City) habang kami ng kaibigan kong si K ay palabas ng unibersidad matapos ang kaunting paglilibot. Sa laki ng unibesidad, 1/4 lang ang nakita namin (dahil naglalakad lang kami), pero naging masayang paglilibot naman iyon.

{From what I know of, this flower is called "birds of paradise," but I am not that sure. I took this picture last November in Silliman University (Dumaguete City) while my friend K and I were on our way out of the university after roaming around. The university's very big that sadly, we only got to see 1/4 of it. It was a fun roaming around, so all's well still.}

Sa susunod na buwan, kami naman ni kuya ang lilibot sa Dumaguete, at dahil na-guilty na ang ex-bf kong 'di nagpakita sa akin noong Nobyembre, ngayon kampante na akong makikita ko na ang kabuuan ng unibersidad dahil nangako na siyang ipagda-drive na ako (o kami) sa buong siyudad. Sana nga... kung hindi, pupuntahan ko siya sa bahay nila. Hahahaha.

{Next month, brother and I will be in Dumaguete, and because the ex-bf who didn't show himself up last November is now being haunted with guilt, I am quite confident that I would be able to see the whole university because he already promised to drive me (or us) around the city. Oh well, I sure hope so... if not, I'll come knocking on his door. Hahahaha.}

*** Jenn ***

32 comments:

Four-eyed-missy said...

Oo nga, birds-of-paradise nga ang tawag diyan. Kadalasan ay kulay pula ang nakikita kong bulaklak niyan. Mahal yan dito, kasi ini-import pa galing Vietnam o Thailand.

Sreisaat Adventures

Anonymous said...

ang ganda ng pagkakakuha mo lalo na yung contrast :)

happy LP!

Anonymous said...

correct ang name nya Jen.. madaming variety pati ang flower na ya at saka madali lang silang alagaan.

Happy LP .. eto po sa akin
http://jennytalks.com/2009/01/lp-ponkan-na-ponkan.html
http://jennys-corner.com/2009/01/litratong-pinoy-orange-kahel.html

Anonymous said...

Hindi pa ako nakakakita niyan! Ang ganda nya!:)

Anonymous said...

Nice shot here! Love your entry! :)

Magandang Huwebes! :)

Anonymous said...

birds of paradise pala tawag dito. hehehe. hindi nga, pramis talaga, hindi ko alam.

Marites said...

oo, birds of paradise siya..may isa pa siyang pangalan, nakalimutan ko lang. :) pwd palang pagperahan iyan? dami dito sa daan lang papuntang Davao-Digos:)

paulalaflower♥ said...

alam mo may ibang birds of paradise na mukha talagang ibon! promise. hehe

salamat sa pagbisita!

Anonymous said...

ang ganda very exotic, meron din niyan dito kaya lang nga it will cost you an arm and a leg...mahilig ka talaga sa bulaklak ha :-)

Mommy Jes said...

weeheheh oo nga me sunny orange pa...salamat sa pagdalaw~ =)
ganda ng bulaklak n aito, anuman ang tawag dito, ang sarap nya sa mata hehehhe =)

Anonymous said...

Owange na owange nga! Ang ganda ng contrast with the green background - buhay na buhay! :)

raqgold said...

nakakita na kaya ako nyan?

Anonymous said...

pretty, pretty! walang ganyan dito sa new jersey...haha

Anonymous said...

pretty pretty.. parang hinde pa ako nanankita nyan dito.. pero sa atin ginagamit sya kasama sa mga decoration at bouquet.

uy salamat sa dalaw ha..

Anonymous said...

mahilig ka pala talaga sa bulaklak, kaya pala alam mo kung anong bulaklak yung entry ko sa LP ngayon hehehe... salamat sa pagbibigay ng idea sa akin.. :)

Anonymous said...

korek. birds of paradise nga ito.

agent112778 said...

:D ingat ka ex-BF may sister is a stalker :D :D

JOKE :D

eto aken lahok


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

 gmirage said...

Maraming ganito ang mama ko, birds of paradise nga...iba ibang kulay at hitsura pero talagang maganda, lalo na sa kuha mo, HappyLP!

Anonymous said...

ang ganda nya kapatid. Nice shot ;)

wondering anong bulaklak ang share mo next week :)

♥♥ Willa ♥♥ said...

iyan pala ang tinatawag na birds of paradise na bulaklak, ang ganda nga.
LP:Orange

Anonymous said...

tama ka, birds of paradise nga ang tawag dyan. isa yan sa mga peyborit kong bulaklak :)

LP:Kahel

JO said...

ang ganda!

salamat sa pagbisita mo sa
joarduo.com

Anonymous said...

as usual, nice flower shot Jen. Favorite ng nanay ko yang birds of paradise...hindi kasi mahirap alagaan.

Anonymous said...

salamat sa iyong dalaw. napaka-unique talaga ng bulaklak na iyan. happy weekend sa iyo.

Anonymous said...

nice jen.... TGIF! :)

Anonymous said...

hi jenn, like na like ko talaga ang iyong mga flower shots!

good luck sa dumaguete, sana magwagi ka this time. :)

Joe Narvaez said...

Nice shot! Ganda ng buhay na kulay!

Anonymous said...

may tanim na ganyan ang aking MIL sa kanyang hardin pero ngayon ko lang napansin na may kahel pala nyan :)
happy LP, Jen!

salamat sa bisita :)

Anonymous said...

Nice shot! Thanks for dropping by.

Anonymous said...

Jen, i love birds of paradise. Kaso some people say that nuissance ito sa garden because ang bilis lumago at kumalat.

ian said...

andami ko nang magagandang paglalarawan na narinig hinggil sa silliman univ! sana makapunta na nga talaga ako riyan balang araw =] ang ganda raw ng dumaguete, siyudad minus da hassle at katoxican!

Anonymous said...

ang madalas kong makitang kulay ng birds of paradise ay pula. ang ganda rin pala ng kahel! :)

 
;