Thursday, January 01, 2009

Mag-Exercise Tayo....

... tuwing umaga, tuwing umaga! Hehehehe.

Manigong bagong taon sa lahat! Kumusta naman ang selebrasyon?



Exercise

Freestyle ang tema ng Litratong Pinoy ngayon, at ito ang unang sumagi sa isip ko. Taon-taon na lang kasi, lagi kong New Year's Resolution ang magpapayat pero ningas-kugon lagi. Ngayon, bagong taon na naman, at muli ko na namang isusulat ang magpapayat sa listahan ng aking mga resolusyon ngayong bagong taon. Mapanindigan ko kaya? Sana. Dapat lang.

{The theme for this week's Litratong Pinoy is freestyle, and this was the first image that came to my mind. Every year, it has always been my New Year's Resolution to lose weight, but I always fail. It's a new year once again, and I am going to list it again in my resolutions. Can I keep up? I hope so. I really need to.}

Ang litratong ito ay kuha sa Rizal Boulevard sa Dumaguete, Negros Oriental. Kami ng kaibigan kong si K ay naglakad mula sa aming hotel upang masilayan ang sunrise, at malayo pa lang tanaw na namin ang grupong ito. Kung dito lang ako nakatira, malamang kasama din nila ako sa grupo. Ang sarap isipin na araw-araw naglalakad ka o kaya naman ay nag e-exercise sa boulevard habang binabati ka ng haring araw ng isang magandang umaga.

{This image was captured at the Rizal Boulevard in Dumaguete, Negros Oriental. My friend K and I walked from our hotel to the boulevard to check the sunrise, and a few meters away we can already spot this group. Must be great to walk or exercise at the boulevard while the sun is greeting you good morning.}

Bagong araw, bagong taon. Nawa ang taon na ito ay maging mas masaya, mas maganda, at mas progresibo kaysa sa nakaraang taon.

{New day, new year. May this year be happier, more beautiful, and more progressive than it was last year.}

*** Jenn ***

13 comments:

Anonymous said...

Taun-taon sinasabi ko din yan :D

Sana ngayon, magkatotoo na yn.

Happy New year sa iyo at sa iyong pamilya Jenn :)

Anonymous said...

I badly need to exercise. Dami ko kasing kinain nitong holiday... :)

Happy New Year Jenn

Anonymous said...

hapi new year jen... :)

docemdy said...

Pareho pala tayo ng taon taong resolution. Happy new year!

ian said...

isang malusog, masaya, at ma-Kodak na 2009 sa iyo at sa iyong familia! =]

Tanchi said...

wow..yoga-yoga:)

anyway, happy new year po.
goodluck sa 2009

visit my entry too:
asouthernshutter.com

Anonymous said...

Ako linggo-linggo, 'panata' ko na yan...hindi naman na22loy *hampas sa noo*

Happy New Year Jenn..at sana matupad na pagpapapayat natin.

paulalaflower♥ said...

happy new year! :)

Marites said...

nakow...dapat may aksyon agad para may resulta. ganyan din ako eh. kaya, pramis ko sarili pagkatapos ng kasiyahan ng bagong taon..makikipagsaya na ako sa gym araw2 para pumayat:) maligayang taon sa iyo!!

Anonymous said...

Nakupo... mukhang ngayong taon na ito ay yan ang dapat kong NY resolution...

Anonymous said...

The only exercise I do on a daily basis is walking. I put in at least two hours of walking a day. Yesterday, the beginning of the new year, I was not able to do my walk because "El Goucho"(gout) visited me LOL. I think I'll just ride my bike until my "visitor" move out. What a way to start the year LOL.

Anonymous said...

dapat nga simulan ang bagong taon ng page-ehersisyo para masigla ang buong taon... manigong bagong taon!

Anonymous said...

sniff, pareho tayo jenn.

let's just try to live healthier this year, shall we? :) happy new year!

 
;