Thursday, February 05, 2009

Tsokolate (Chocolates)



Ferrero Rocher

Ferrero Rocher

Eto dapat ang lahok ko para sa temang "ginintuan," pero hindi ko talaga alam kung bakit - kahit meron na nito, nilitratuhan ko pa rin ang isa sa aking mga singsing at iyon ang inilahok ko. Siguro, ang mga litratong ito ay para talaga kung saan siya nabibilang - bilang tsokolate.

{This should've been my post for Litratong Pinoy's "golden" theme, but I didn't know why - even with these pictures, I still took a picture of one of my rings and posted it as my photo for that theme. I guess these images truly deserve where it belongs, being chocolate.}

Umuwi minsan ang aming ina dala ang tsokolateng ito, galing sa isang balikbayan na kaibigan. Hinati namin ang mga tsokolate para sa aming apat, at kahit hindi ako talaga kumakain ng tsokolate, isa ito sa aking mga paborito dahil sa macadamia nut sa gitna. Para sa akin, para iyong pot of gold sa dulo ng isang bahaghari. =)

{Mom came home one time with this set of chocolates, she said it was given by a friend who came home from abroad. We equally divided the pieces to the four of us, and although I am not really into chocolates, this one I love to eat because of its big macadamia nut in the center - for me, it's like a pot of gold at the end of a rainbow. =)}

*** Jenn ***

39 comments:

Anonymous said...

masarap talaga yang ferrero... first class :-)
happy LP!

Anonymous said...

Naks! Naalala ko yan yong palaging binibigay ng ex-bf (turned hubby) ko...haaay..

Anonymous said...

Hi Jenn,, pareho tayo ng stokolate,,, silipin mo ang sa kin http://aussietalks.com/2009/02/litratong-pinoy-tsokolatechocolate.html

Anonymous said...

ay apir!same subject! :) salamat sa iyong dalaw.

Anonymous said...

wowowowow...ferrero!! enge!!!

HAPPY LP Sis!! :D

♥peachkins♥ said...

uy,favorite ko to..pramis!

Salamat sa pagbisita..hapyy LP!

Mommy Jes said...

hmmmm ang sarap!!!! =)

Mommy Jes said...

oo nga magnda ang dispenser hehehe =) pasalubong dn sa kanila yan ng lola nmn nung nanggaling sa hongkong =) ang cute d b? =) kaya cguro naisip nilang paglaruan muna hehehe =)

♥♥ Willa ♥♥ said...

pangalawa na yan sa nakita ko today, pero oo,masarap nga yan,kasi yung binili ko, naubos ng anak ko eh. :D

Anonymous said...

Sarap! :)

Anonymous said...

nice jenn... happy huwebes... :)

Anonymous said...

naku pinaalala mo tuloy ang aking wedding day :) kasi ginamit yan ng aking MIL para gumawa ng thank you gift sa mga ninong at ninang...

hapi LP, jenn!

Unknown said...

hmmm sarap nyan! may nagbigay sa akin nito nong pasko...syempre, kinalimutan ko na muna mag-diet.:D

Four-eyed-missy said...

Pengeng isa, Jenn... sarap-sarap niyan!

Dr. Emer said...

Sweet chocos for those with sweet cravings. :-)

I wish you had a shot of the choco minus the gold wrappings....

HAPPY LP!!!

marie said...

Hey jenn, penge!

Carnation said...

ferrero chocs never go out of style! sarrrap yan. thanks sa visit ha

Anonymous said...

Wow! Isa sa mga paborito kong tsokolate!!! namiss ko tuloy nung liniligawan pa ako ni hubby... :)

http://edsnanquil.com/?p=1319

Anonymous said...

picture pa lang, nalalasahan na!

tsalap!

happy LP!

Anonymous said...

di ka mahilig sa tsokolate? wow, shocked ako! ikaw lang yata ang nabasa ko sa LP na ayaw nito! haha.

so far, sikat ang ferrero!

Anonymous said...

kaka-comment ko lang dun s isang ferrero, kay leah. :) kakatuwa naman na pareho ang naisip nyo.

agent112778 said...

mas marami kayung naka-in kesa sa akin :(

eto aken lahok


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Mayet said...

sarap nyan!

arvin said...

yang ferero ang unang tsokolate na pinambigay ko nung valentines nung unang panahon, pero hindi ko pa natitikman, hehehe:P ang mahal e, kaya di na ako nakihati sa mga binigyan ko.

Unknown said...

isa sa mga paborito kong tsokolate ang Ferrero Rocher ... sarap!

raqgold said...

ay masarap nga yan, masakit nga lang sa bulsa, hehe

Anonymous said...

ang ganda naman ng description mo, a pot of gold sa dulo ng bahaghari! special talaga sya kasi bukod sa uwi ng mom mo, pinaghatian nyo talaga as family..that shows love :)

Anonymous said...

naalala ko naman nun hs pag binigyan ka ng ganyan ng bf mo super kilig lols...

happy thursday!

Anonymous said...

isa na namang Ferrero sarap entry :) favorite nang karamihan dahil sa kasarapan.

my chocolate posts are here: Reflexes and Living In Australia

purplesea said...

ako din favorite ko yung mga may nuts. para nababalanse yung tamis ng tsokolate. perfect combi!

Joe Narvaez said...

Sarap. My wife's favorite.

HiPnCooLMoMMa said...

masarap nga yang brand na yan, fave ko din

http://hipncoolmomma.com/2009/02/05/tsokolate-chocolate-36th-litratong-pinoy/

Anonymous said...

wow sarap! minsan may nagregalo din saken ng ganyan :-)

have a great weekend!

Anonymous said...

Favorite din namin ang Ferrero - ubos agad yan dito - hahaha!

Emir Rio Abueva said...

Masarap ba talaga yan?
Di pa ko nakatitikim nyan eh.. makabili nga... ahahah

shiera (bisdakbabbles) said...

isa yan sa mga paborito ko. kaso medyo mahal sya kaya aero lng palagi kong kinakain

Anonymous said...

one of the few tsokolates i like!:)

Anonymous said...

sino ba naman ang may ayaw ng ferrero?! isa rin sa mga paborito namin 'yan! :)

i♥pinkc00kies said...

Ferrero.. one of my faves!! I'm a chocoholic too. :D Yummm.

 
;