Ako ay isang tao na hindi mahilig sa sapatos - siguro dahil lumaki akong walang pambili ng sapatos, o kaya siguro mataba ako at ang pwede ko lang isuot ay yung mga "flat" na sapatos at sandalyas, o siguro wala lang tindahan na malapit sa amin kung saan ako pwedeng makabili ng sapatos. Kabaligtaran ko, ang aking bunsong kapatid ay sobrang hilig sa sapatos, kagaya ng aming ina. Sa totoo lang, silang dalawa ay mistulang may kontest kung sino ang may mas maraming sapatos.
{I am a person who's not really much into shoes - maybe because growing up we didn't have the means of buying good shoes, or maybe because I am fat that I could only wear flat shoes/sandals, or maybe growing up there wasn't any near mall where I could buy shoes. My sister on the other hand was very much into shoes, just like my mom. Actually, they're having a little contest (although they don't realize it) as to who has the most shoes.}
Obviously, ang pares ng sapatos na ito ay sa aking kapatid. Minsan, umuwi siya at sinabing bumili siya ng bagong sapatos at gusto niyang isukat ko dahil iyon ay size 9. Kumasya naman, pero kung ako ang bibili ng sapatos na ito, siyempre size 10 ang kukunin ko.
{Obviously, this is my sister's shoes. One time, she got home and told she just bought a new pair of shoes and asked if I could try it on because it was a size 9. It did fit, but if I were to buy this pair of shoes, I would've bought the size 10.}
Noong araw na iyon ay nakahiga ako sa kutson na inilatag ko sa may sala, at dahil ako ay nanonood ng telebisyon, tinamad akong tumayo para isukat. Nagustuhan ko ang takong ng sapatos, kaya kahit nakahiga, kinuha ko ang aking cell phone para kunan ng litrato. Ito ay kinunan ko para sa aking Project 365.
{I was lying on the mattress I put in the living room when she came home, and because I was watching television, I was too lazy to get up just to fit the shoes. I loved the heels of these shoes, so even if I was lying, I took my cell phone, and took a picture of it. This was originally posted for my Project 365.}
*** Jenn ***
13 comments:
wow sexy na shoes. same tayo di ko rin masyadong type ang mataas dahil di nya kaya ang weight ko at masakit sa paa ang mataas. ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/03/lp51-sapatos-shoes.html
Lovely shoes. I like the design..Ako din mahilig din ako sa sapatos :)
size 9. siguro kasya sakin yan. but i won't dare wearing it. antaas ng takong eh.hahahaha
ang aking sapatos ay andito naman:
krismas gip :D
HAPPY LP po! :)
talagang tinaas ang paa ah.... hehe. happy huwebes... :)
uy ang ganda ng shoes ha, love the takong .. laki pala ng paa mo no
Happy Huwebes! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/03/lp-sapatos-shoes.html
I was wondering how the shot was taken. Ayun naman pala nakahiga. Hehehe. Ganda nga naman ng takong!
Ang ganda ng shoes na ito :) Jenn, suot mo yan sa dress :)
Jenn that is a nice pair! Am malaki too and i sensed that my paa is comfy with size 9 highheels (3 inches) when originally am just size 8.
Nice shot! Btw, where do you post yoru project 365?
Lovely shoes! Gusto ko ang style n'ya. I like the heels.
Thanks all for the comments.. daan ako sa blogs niyo tomorrow, medyo busy lang.
@Arlene - I post my 365 photos at: My Own Project 365
9? Eh size 6 lang ako! wow! yan nga yung gusto ko itry na design hehe cool! At nga naman kisame talaga ang bg! happy lp!
napansin ko din ang kakaibang takong nya
http://hipncoolmomma.com/2009/03/26/sapatos-43rd-litratong-pinoy/
gusto ko rin ang disenyo. SEksi siya ano. Hindi rin ako mahilig sa mataas na takong, para kasing madadapa ako lalo pa't mabilis akong maglakad.
Post a Comment