Thursday, May 28, 2009

Alam Mo Ba? (Do You Know?)



Lourdes Grotto

Alam mo ba na kailangan mong humakbang ng 252 steps bago mo marating ang tuktok ng Lourdes Grotto sa Baguio City? Noong una akong pumunta sa lugar na ito, talagang nahirapan ako, pero kinaya naman.

{Do you know that it takes 252 steps before you reach the Lourdes Grotto in Baguio City? When I first went here, it was really a very trying moment, but happy I was able to handle it.}

Ang litratong ito ay kuha noong Marso, nang yayain ko ang aking pinsan na samahan akong maglakwatsa sa Baguio dahil hindi ako masyadong nakalakwatsa noong Panagbenga Festival, kaya imbes na mag-Vigan ako, minabuti kong mag-Baguio naman. Una naming pinuntahan ang Lourdes Grotto para marami-rami pa kaming lakas. Plano naming bilangin kung ilang hakbang papunta sa grotto, pero nawala rin kami sa bilang, siguro dala ng pagod. Sa isang palabas sa telebisyon ko nalaman kung ilang hakbang papunta sa grotto.

{This picture was captured last March, when my cousin and I went to Baguio. I wasn't able to roam around the city during the Panagbenga Festival, so instead of going to Vigan, I decided to just roam around Baguio that time. We first visited this place, so we still have lots of energy. We planned on counting the steps, but due to exhaustion, we lost count. It was in a television program that I learned the number of steps going to the grotto.}

Kayo, nakapunta na ba kayo sa Lourdes Grotto sa Baguio?

{Have you been to the Lourdes Grotto in Baguio?}

*** Jenn ***

9 comments:

Willa said...

Oo ,ako ay nakarating na rin ng Baguio, at inakyat na rin ang pamosong hagdanan na iyan,at talaga naman nakakapagod. :)

Marites said...

naakyat ko na rin yan at sumakit talaga ang aking mga binti sa pag-akyat pero sulit naman ang tanawin sa itaas:) maligayang LP!

kg said...

oo, naakyat ko na yan. kakapagod talaga pag ganyan kataas! pero parang sakripisyo mo na rin yun. :)

Linnor said...

kakahingal para sa akin ang kahit anong hagdan. lalo na ang 250+ steps. eheheh....

julie said...

kelangan me pampa-alis ng uhaw kapag umakyat diyan, hehehe :) Flanax din pala, lol!

thess said...

oh wow! more than 20 years ago na ng huli kong makita at maakyat ang grotto na ito. Parang bigla kong gusto magpunta tuloy sa Baguio.

Happy LP, Jenn

Yami said...

Ang dami talagang lugar sa Pilipinas ang hindi ko pa nararating. Nakaabot ako ng Baguio pero hindi ako natapak sa hagdan na ito. :)

upto6only said...

wow hindi ko yata alan kung kakayanin kong umakyat dyan. pero syempre iba ang feeling pag naakyat mo cya.

Happy LP

jennyL said...

naku jen mukhang kakailanganin ko ng planax dyan hahaha

http://jennys-corner.com/2009/05/lp-alam-mo-ba-do-you-know-that.html

 
;