Thursday, June 11, 2009

Pangarap Ko (My Dream)



Surf Break 3

Mula nang maging interesado ako sa potograpiya, pinangarap ko ng magkaroon ng DSLR Camera. Minsan naitanong ko, magiging mas maayos ba akong litratista kung ako ay may DSLR camera? Maraming nagsabing oo, pero siyempre nasa akin pa rin iyon kung paano ko ima-maximize ang potensyal ng aking camera.

{Ever since I got interested with photography, I have always dreamed of owning a DSLR Camera. Once I asked, will I be a better "picture taker" if I have a DSLR Camera? Many said yes, but of course it boils down to me and how I maximize the potential of my camera.}

Ngunit hindi lamang ang pagkakaroon ng camera ang pangarap ko. Kaakibat ng pagkakaroon ng gamit na ganito ay ang mga pangarap na makasama sa mga photo walks ng mga kagaya ko ring mahilig sa potograpiya, ang makapag-aral sa ilalim ng pagtuturo ni Jo Avila, at higit sa lahat - ang makapunta sa iba't ibang panig ng Pilipinas at kunan ng litrato ang samu't saring elemento na magpapatunay na isa sa pinakamagandang bansa ang Pilipinas.

{But I am not just dreaming of owning the camera. Part of it are dreams of joining photo walks of people who are photo enthusiasts just like me, learning under the supervision of Jo Avila - and most of all - going to different parts of the Philippines, take pictures of different elements that would attest that the Philippines really is one of the most beautiful countries.}

Ang litratong ito ay kinunan Oktubre 2008 sa San Juan, La Union. Ako ay nandoon upang saksihan ang unang araw ng "Surf Break 3" pagkatapos kong bisitahin ang puntod ng aking ama. Natuwa ako sa grupong ito kaya kinuhanan ko sila ng litrato. Pangarap kong isang araw maging katulad na rin nila ako.

{This picture was taken October 2008 in San Juan, La Union. I was there to watch the first day of "Surf Break 3" after visiting my dad's grave. I really liked this bunch of photographers who shoot their hearts out that day. I dream to be just like them one day.}

*** Jenn ***

7 comments:

Mauie Flores said...

Mukhang magastos na hobby ang photography pero sulit naman kaoag nakita mo na ang shots.

Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html

upto6only said...

hayyy pareho tayo ng pangarap. sana matupad natin ito :)

Happy LP.

Unknown said...

yon din ang tanong ko sa sarili ko--kailangan ko ba talaga ng dSLR? e di ko pa nga ma-perfect gamit ang aking low tech na digital camera.:D

practice, practice at practice pa.

Yami said...

Jenn, kung sakaling ikaw ay maging mahusay ng litratista na ay sa'yo na lang ako magpapaturo ng libre. pangarap ko rin ang magkaron ng magandang kamera at syempre ang maging mahusay sa pagkuha ng larawan.

Maligayang Huwebes, ka-LP!

Linnor said...

sana matupad mo ang iyong dream na magkaroon ng dslr :)

pao said...

Try mo din muna mag-film SLR. mas mura pero talagang matututo ka ng mga kailangan sa photography. nauna kong ma-experience ang gumamit ng DSLR, tapos saka ako nag-analog. baliktad, ano? pero na-appreciate ko siya ngayon kasi marami akong natututunan.

Marites said...

naku, gustung-gusto ko rin ang maging magaling sa potograpiya. magasto nga kaya medyo hinay2 lang ako. may nagsabing maglilitratista na maganda ang SLR pero kung talagang magaling kang litratista, maaski anong camera ang gamit..lalabas at lalabas ang galing.

 
;