Talagang hindi makukumpleto ang ating pag-aaral kung walang aklat na gagabay sa atin. Maging ang ating mga guro ay kumukonsulta sa mga aklat upang ang mga impormasyong ituturo sa atin ay tama. Noong ako ay nasa elementary at highschool, 'di ko problema ang aklat dahil agaran iyong mabibili sa eskwelahan, ngunit nang mag-college ako, naranasan ko pang magpunta sa iba't-ibang lugar para lamang mahanap ang aklat na kinakailangan ko.
Sa totoo lang, namamahalan ako sa mga aklat kaya hindi ako nasanay magbasa ng aklat. May mga aklat na gustong-gusto kong basahin, ngunit hindi ko naman mabili sapagkat wala akong sapat ng pera upang mabili ang mga iyon. Sa tingin ko, isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ang mga kabataan ngayon ay hindi nahilig magbasa ng aklat.
Kuha ang litratong ito sa Powerbooks (Serendra). Dumaan kami ng kapatid ko doon upang hanapin ang magasin na ipinapahanap ng aming tiyahin at sinamantala ko na rin ang pagkakataon upang mabili ang aklat na pitong taon ko ng nais bilhin ngunit 'di ko mabili sapagkat noong una ay 'di sapat ang baon ko at noong magkaroon na ako ng sapat na pera, wala naman akong sapat na oras upang sumadya sa malalaking bookstore para lamang mabili iyon. Ang aklat? "The Greatest Miracle in the World" ni Og Mandino.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
English Translation:
Schooling is never complete without books. Even our teachers consult books so that the information we get is accurate and true. When I was in elementary and high school, I got no problem with books because it is readily available in the school, but when I entered college, there were times that I had to check different bookstores just so I could find one book!
Truth be told, I find books expensive that's why I don't read that much books. There are a lot of books that I wanted to read, but cannot own because I always don't have enough money to buy those books. I guess this is also the reason why kids and youths nowadays aren't widely read.
This picture was taken in Powerbooks (Serendra). My sister and I dropped by the bookstore to check if the magazine our aunt asked us to buy is available, and I also took the privilege to buy this book that I so want to own for 6 years now, but cannot buy it back then because my allowance is just enough to sustain my food and fare, and now that I have enough money, I don't have time to drop by the big bookstores just to buy it. The book? "The Greatest Miracle in the World" by Og Mandino.
*** Jenn ***
19 comments:
Alam mo tama ka dyan, Jenn. Masyadong mahal ang mga libro dito sa bansa natin. Tapos maghanap ka sa mga libraries wala namang kopya dun na pwede sanang mahiram. Magtanong ka nga ng mga classic stories sa mga bata at siguradong di nila gaanong alam. Mas alam pa nila ang istorya ng mga teleserye ngaun kaysa classic stories noon.
Grabe, ang daming libro niyan:) Pero ganun nga, sobrang mamahal. Lalo na ng mga IT books grabe, kaya nga sa internet na lang ako kumukuha ng references ko e. E la pa naman akong napagkukunan ng pera, hehehe.
iba pa rin ang libro, electronic books will never replace them.
ang ganda pala ng powerbooks jan, dko na naabutan kc ito...
sa fullybooked yan noh? ganda!
ang style namin para makabasa ng mga mahal na libro ay magbabad sa bookstore gaya ng powerbooks o fully booked - kahit isang buong araw :) at bibili na lang kami sa booksale kung talagang kailangan he he (ka-cheapan di ba)
happy LP!
Ang wish ko para sa iyo, ay mabili mo na lahat ng librong gusto mo, sister =)
totoo sinabi mo, napakamahal ng mga libro, isang dahilan din yan ng pagkacamote ko, hindi makabili ng librong kailangan, wala namang mahiraman ...pero nagagawan naman lagi ng paraan, awa ng Diyos.
ang cute siguro kung 'kalabasa' nga entry mo ha ha, pwede na tayong mag-catering para sa L ha haha!
ang isang nakakatuwa dito sa kinalalagyan ko ngayon, lahat ng community ay may public library. kailangan lang pakita ng magulang ang kanilang ID na nakalagay ang proof of address at may library card na kayong mag anak. libre ang humiram ng libro, dyaryo at magsin. pati internet pang research. hindi ba napakaganda? sana ganyan din sa pilipinas...
What a great selection of books from Powerbooks. Dapat kapag wala kang pera to buy books, tambay ka lang doon and just read during weekends.
maligayang lp!
ang galing ng pagkakakuha mo sa fully-booked! sa unang tingin, kala ko ay library :)
grabe, i love your shot! and i love the description. i always found solace in libraries (or bookstores). keep clicking and telling stories, jenn!
Maraming salamat sa mga komento. Sana nga ay mabili ko lahat ng aklat na gusto kong mabili... o kaya magbababad na lang ako sa bookstore!
Sa Fully Booked ito ano? :)
Napakahilig ko ring tumambay sa mga bookstores. Mahal nga lang ang mga libro.
Mayroon akong libro na libre lang pinapamigay, bakit kaya hindi binabasa ng mga tao samantalang lahat ng nilalaman noon ay totoo at kumpleto sa love story, action, drama at horror...ang Bibliya =D
Ganda ng kuha mo dito, buti walang sumaway sa iyo habang nagpiktyur ka sa loob. Happy LP!
kung mura lang ang mga libro... matutupad na ang pangarap ko na magkaroon ng malaking library na ipapamana sa mga anak ko.
sana wag mawala ang hilig ng mga bata sa pagbabasa... lagi na lang tv at games eh. nakakalungkot.
sa fully booked ba yan?
onga, isang dahilan kung ba't hindi mahilig ang kabataan sa pagbabasa dahil sa kamahalan ng mga libro. di tulad sa italya (nakwento ng aking ka-opisina na dating nag-aral dun), kahit mahirap na tao ay kayang bumili ng libro.
gusto ko ang larawang ito dahil paborito ko ang mga aklatan ^^
maligayang paglilitrato! :)
totoo nga, ako ma'y guilty rin minsan sa hindi pagbili ng aklat dahil namamahalan ako. :D
ang dalas namin sa serendra nung nanjan pa kami sa pinas pero ni minsan, hindi ko napasok ang powerbooks. hee hee. sa kainan lang palagi! :)
Hay, mahal ang mga libro, grabe. Pero ganun pa man, kelangan din ito sa pag-aaral.
Post a Comment