Thursday, July 24, 2008

Kanluran (West)

Unang pumasok sa isip ko ang mag-post ng sunset kaya hindi ko na rin binago kahit alam kong marami rin ang mag-post ng sunset sapagkat alam naman nating lahat na ang araw ay lumulubog sa kanluran. =)



Sunset in Bolinao

Dalawang linggo na'ng nakaraan nang kami ng aking ina ay maimbitahan ni Uncle Pete (nakababatang kapatid ng aking ina) na magpunta sa kanilang bayan sa Bolinao, Pangasinan. Mag-migrate na kasi si Uncle Pete at ang kanyang buong pamilya sa Amerika kaya bago sila umalis, ninais niyang magkasama-sama ang buong kamag-anakan. Isinagawa na rin nila ang padasal para sa aking yumaong lolo na sumakabilang buhay Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa aming ikalawang araw sa Bolinao, pumunta kami sa fish cages kung saan nagtratrabaho si Uncle Arthur (asawa ni Aunt Mary na kapatid ng aking ina). Pagkahapon, nagpahatid kami sa gilid ng isang isla upang makapag-swimming at magtampisaw sa tubig. Hindi ako marunong lumangoy, kaya't sa pagitan ng mga pagsulong ko sa tubig, kumukuha ako ng litrato.

Magandang parte ng isla ang napuntahan namin sapagkat kitang-kita namin ang paglubog ng araw. Sa dinami-dami ng litratong nakuha ko, ito ang napili kong i-post para sa linggong ito. Kuha mula sa aking Canon Powershot A580 digital camera, naka set sa sunset, walang flash. Salamat sa pagdaan.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
English Translation:

When I wrote the list of the themes for Litratong Pinoy, I already knew I would post a picture of a sunset, and even if I knew lots of participants would share a sunset picture (we all know the sun sets to the west), I still stuck with my initial thought.

About two weeks ago, we were invited by Uncle Pete (mom's younger brother) to come with them in their hometown in Bolinao, Pangasinan. He and his family will be migrating to the US, and he wanted to gather as much family members as he can before they leave. It was also a good opportunity to pray for the soul of grandpa, who died November last year.

In our second day there, we went to the fish cages where Uncle Arthur (husband of Aunt Mary - mom's sister) works. Late in the afternoon, we asked to be dropped off a nearby island shore so we could take a dip in the sea. I don't know how to swim, so in between the dips, I took pictures.

We were dropped off at a very great location for the sun was setting right in front of us. In all of the pictures I took that moment, I chose to share this one. Taken using my Canon Powershot A580 digital camera, set to sunset no flash. Thanks for dropping by!

*** Jenn ***

Memories by Jenn Le Kultiszie Familie
Jenn Was Here Shutter Happenings

24 comments:

Anonymous said...

Ok ang lahok mo Jenn :)

Jeanny said...

wow ang ganda naman. Nice one :)

Jeanny
Ang aking LP

Anonymous said...

uy ang ganda rin ng sunset mo:)

fortuitous faery said...

parang ang lungkot tuloy...padespedida kasi.

Anonymous said...

perfect for the theme,:)

Unknown said...

dramatic ang sunset mo. magaganda rin ang beaches jan sa bolinao.:D

arvin said...

Matagal ko nang sinasabi sa amin na mamasyal kami ng Bolinao. Well, isa yun sa mga suggestion ko pero wala e, hehehe. Ganda ng sunset:D Wala pa ata akong nakitang sunset na hindi maganda, hehe.

Anonymous said...

uy ang ganda nito. reminds me of very good days of the past... nakakamiss haaaay.

Anonymous said...

Buti hindi mo pinalitan, ang ganda ng pagakakkuha mo nito, napaka serene.

Happy LP

Anonymous said...

ei! nice shot...really. peyborit ko nga ang takipsilim eh lalo't andyan si haring araw.

Anonymous said...

tamang-tama may binabasa ako tungkol sa bolinao, pangasinan...

ang ganda ng sunset talaga

Anonymous said...

Napakaganda na kuha mo. Gusto ko din makarating ng Bolinao. Maganda nga daw dyan ang mga beaches :D

Pete Erlano Rahon said...

aah sunset at dagat... ang ganda so serene and peaceful...

 gmirage said...

Actually, isa ako sa nalilito kung ang kanluran ba ay east o west lol.

Ang drama ng kuha! Happy LP!

Anonymous said...

ang ganda talaga ng sunset. nice shot,jenn!

Anonymous said...

wala pa akong nakitang sunset or sunrise na di maganda. ang ganda nito.

Anonymous said...

Lagi talagang may kakaibang drama kapag sunset ang kuha - ang ganda!

Anonymous said...

maganda naman kasing subject talaga ang sunset...

Anonymous said...

Ganda ng pagkakuha! Happy Friday!

Anonymous said...

I also wanted to poste a picture of a sunset but did not have a good shot. Ang ganda ng picture mo - very dramatic.

cross eyed bear said...

galing! woot!

nahiya tuloy entry ko. hehe

Anonymous said...

maganda ang kuha mo ng sunset :)

Anonymous said...

Ang ganda ng sunset astig

Anonymous said...

this is one of the beuatiful sunset pics that i've ever seen...

 
;