Sa mga hindi pa nakakaalam (lalo na sa mga banyagang bisita ng aking "blog"), ito ang Banaue Rice Terraces sa Banaue, Ifugao. Maituturing na "8th Wonder of the World" para sa mga Pilipino. Sa aking pagkakaalam, wala gaanong patag na lupa sa lugar na iyon, kaya upang makasaka, ginawa nilang sakahan ang bulubunduking lugar sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Nakakamangha, hindi ba?
Kuha noong ika-24 ng Mayo taong kasalukuyan gamit ang aking Canon Powershot A580 digital camera; naka-set sa foliage, walang flash.
Sa mga nagnanais mabasa ang aming biyahe sa Banaue at makita ang ilan pang mga litrato, maari lamang na bisitahin ang aking travel blog DITO
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
English Translation:
Upon seeing this week's theme, I gave it a little thought and wanted to share a picture of the plant, but then my recent road trip last summer came to mind, and in the end, it's this picture that I decided to post for this week's Litratong Pinoy.
For those who don't know (especially the foreign visitors of this blog), this is the Banaue Rice Terraces in Banaue, Ifugao. Considered as the 8th Wonder of the World by the Filipinos, this came to life by transforming the mountainous area into ricefields by the locals using their bare hands. Pretty interesting, isn't it?
Shot using my Canon Powershot A580 digital camera, set to foliage, no flash.
For those who wanted to read about our road trip to Banaue and to check out other images, please check my travel blog HERE.
*** Jenn ***
34 comments:
Maganda ang lahok mo Jenn! Sana makapunta naman kami dyan. Salamat sa pagbisita. :)
Maulan na Huwebes! hehehe ulan kasi dito sa amin.
naku hindi pa ako napunta dito sa banaue rice terraces! buti ka pa!
Pinalad lang na makasama sa aking tiyahin... road trip talaga nila iyon, sumabit lang ako... ay buti na lang sumama ako at buti na lang natuloy, katatapos lang ng bagyong Cosme nito.
wonder of the world talaga ang mga terraces na yan!
magandang huwebes sa'yo!
kakainggit naman...buti ka pa, nakapunta na sa banaue rice terraces! ako, hanggang banawe, quezon city lang! hehe.
oo nga pala, inadd na kita sa links ko dati pa...
i promised myself na bago at bawian ng hininga eh pupuntahan ko ang place na ito. napakaganda!
gustong ko ring marating ito...
eto naman ang sa akin
http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-luntian/
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-luntian.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-luntian.html
Tunay na ipinagmamalaki natin ang ganda ng ating rice terraces. Great shot! =)
di pa ako nagagawi dyan... nice... happy thursday!!! :)
0baba00it reminds me of the good old days, well the scenes from Banawe to Sagada are wonderful views with the zigzagging of dangerous roads...
definitely Pinoy's 8th Wonders of the World, although not much of the young generation are wanting to inherit and do farming with it anymore, sad...
iba-ibang shades ng berde. ang ganda :)
wow! yan ang gusto kong mapuntahan... sana hindi pa huli
pinapangarap ko ring makita ang banaue rice terraces sa personal at malanghap ang "luntiang" hangin ng ifugao province...
Gusto ko yan sana puntahan noon nung ako'y dyan pa sa Pilipinas nakatira. Sana magkarun pa ulit ako ng pagkakataon!
Salamat sa pagdalaw sa LP ko.
Waaaah! Nagfieldtrip kami diyan last year, grabe, nung una namin nakita, mura kami ng mura, "Ta****, ang ganda!!!"
Ang ganda talaga niya:D Sayang nga lang, ala pa akong camera nung mga panahon na iyon, kaya gusto ko ulit bumalik sa hinaharap:D
Sumakay pa kami dun sa taas ng dyip 'tas nagpuntang Sagada:D Weeee! Ang Saya:D (Di ba, ang saya ko talaga, hehehe). Salamat sa entry:D
shuuter happy jenn, nakapunta ako diyan noon 1997, at naglakad kami ng asawa ko sa ilang baitang ng Rice Terraces, ng humigit kumulang na 5 kilometro mula sa simula hanggang sa dulo...kahit mahulog ka, 5 feet lang ang pagitan ng isang baytang sa susunod, di naman masakit, maputik lang...
we literally walked the heavens :)
salamat sa dalaw! sa http://pic.blogspot.com/2008/07/pusang-ina.html
nakakamangha pa rin ang kagandahan ng ating rice terraces. nagpunta na rin ako dati sa Batad na halos 4 na oras kong nilakad bago makarating. kahit nakakapagod, sulit naman sa ganda ng lugar.
Isa ito sa lugar na nais kong puntahan, salamat sa impormasyon na isinama mo at sa napakapreskong litratong ito! Ang gandang tanawin mula sa kinatatayuan mo...Happy LP!
ang ganda naman nyan,iyan ang hindi ko pa napupuntahan,sana makarating din ako jan in the near future,salamat sa pagbisita sa entry ko. :)
Maganda ang larawan mo! Dalwang beses na din ako nakapunta dyan sa banaue at sana ay makabalik ako ulit!
Magandang Huwebes!
ang ganda! hindi pa ako nakapunta jan! sana balang araw :)
uy ganda ah...pwede ng postcard ito.
Aww, Jenn! itong lugar na ito gusto ko madalaw, hayyyy
Nice shot!
Ang ganda naman sa Banaue, parang magical.
talaga namang maipagmamalaki ang rice terraces, must be a nice experience seeing it :-)
happy snapping!
Hay naku! namiss ko na itong lugar na ito. Sana, makabalik ako kaagad. Ganda ng lahok mo, super!
ako nakarating ng Mayoyao - di ko na alam kung asan ang piktyur huhuhu
happy lp, jen!
yey nakapunta na rin ako sa banaue, pero wala akong nakuhang litrato ni isa. wala pa kasi akong sariling camera noon, sayang. di bale, dahil dito sa lahok mo, para na rin ako ulit nakapunta. :)
Luntian sa MyMemes
Luntian sa MyFinds
sana mapuntahan ko yan balang araw. di pa ako nakakarating ng baguio in my 40 years! :D kahiya no?
Ako naman never pa'ng nakalabas ng Luzon! Southernmost part ng bansa na napuntahan ko Tagaytay! Hayyy.... =)
Okay lang yan, Linnor! Makakarating ka rin ng Baguio!
Sarap sigurong mapadpad diyan - napakaganda at nakakamangha!
Ganda ng pagkakua..parang "dreamy" yong effect. Happy Friday!
salamat sa iyong pag bisita. alam mo pangarap kong makarating dyan.
wow, banaue... nais ko ring makakuha ng ganyang litrato. sana makapunta rin ako dyan sometime. sayang at hindi sya kasama sa 7 wonders of the world ngayon.
salamat sa pagdaan at maligayang paglilitrato! :)
Post a Comment