Thursday, August 07, 2008

Ako / Parte Ko (Me / Part of Me)



San Agustin Church

Noong makita ko ang tema ngayong linggo, naisip ko madali lang ito kasi madami naman akong litrato ng aking sarili (sobrang hilig kong kumuha ng litrato ko), ngunit habang tinitignan ko ang aking mga litrato, nahirapan na akong pumili kung ano ang ilalahok ko.Ganoon pala 'yun talaga... kapag sobrang dami kang pagpipiliian, mas lalong mahirap pumili!

Naisip ko, tutal ang ilan naman sa kasali sa Litratong Pinoy ay magakikita-kita sa Sabado at parte ng pagkikita-kita ang magkaroon ng "Heritage Photoshoot" sa Intramuros, naisip kong ilahok ang litratong ito na kuha noong Hunyo sa loob ng San Agustin Church, isa sa mga simbahan na pupuntahan sa Linggo. Napili ko ang litratong ito dahil noon ko lang nalaman na si Juan Luna pala ay dito nakalibing. Ang bunso kong kapatid ang nakakita sa kanyang lapida at noong makita namin iyon, talagang pinakiusapan ko siyang kunan ako ng litrato, kahit pa ang "tour guide" na si Carlos ay nasa kalagitnaan ng kanyang tour.

Hindi naman siguro halatang excited na ako sa pagkikita-kita sa Sabado. Masaya akong ang haring araw ay unti-unti ng nagpapakita, at dalawang araw nang hindi umuulan. Mukhang umaayon ang panahon sa pagkikita-kitang ito. Excited ako kasi bukod sa makikilala ko ang ilan sa mga kasali sa komunidad na ito, mababalikan kong muli ang aking paboritong simbahan at paniguradong makakakuha na ako ng maraming litrato, noong nakaraang Hunyo kasi, ipinahiram ng aking kapatid ang aming digital camera at ang aking cell phone ay naubusan na ng baterya matapos naming pumunta sa Manila Ocean Park. Ipinahiram ni Uncle Pete ang kanilang digital camera ngunit napaka-konti na lang ng natitirang espasyo sa memory ng camera, kaya limitado lamang ang nakuhanan ko. Sa Sabado, talaga namang magsasawa ako! =)

Kita kits sa Sabado mga kapatid!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

English Translation:
When I found out about this week's topic, I said to myself this must be an easy topic since I have so many pictures (I love taking self-portraits). However, as I flip folder after folder, I realized it wasn't easy as it seem. I guess it really was hard to choose when you have so many choices!

Since some of the members of Litratong Pinoy will be meeting up this Saturday and that part of that get-together is to do a Heritage Shoot in Intramuros, I decided to post this picture, which was taken last June by my sister inside the museum of San Agustin Church, one of the places to be visited on Saturday. I chose this one because I just found out on that day that the hero and painter Juan Luna was "buried" there. It was my sister who saw the epitaph, and when she showed it to me, I immediately asked her to take my picture, even if the tour guide Carlos was in the middle of his explanation about the gloomy time when World War 2 happened.

I guess it wasn't really obvious that I am excited about the get-together on Saturday. Well, I actually am excited for not only will I get to meet some of my fellow LP members, I will also get to see my favorite church again. Last June, I wasn't able to fully enjoy my visit because we didn't have a digital camera (sister lent our camera and my cell phone's battery died on me just after our visit at the Manila Ocean Park. Uncle Pete lent me their digital camera, but the camera's memory is very low already so I wasn't able to take that much pictures. On Saturday, I will surely take lots!

Glad that the sun is peeking now and it hasn't rained for two days. Looks like the weather is going on our side. See you guys on Saturday!

*** Jenn ***
embraceLe Kultiszie Familie
Jenn Was HereShutter Happenings

18 comments:

walkonred said...

ako din nahirapan sa dami ng kuha ko sa sarili ko! hahahaha... kmusta jen? :)

sweetytots said...

yun ba ung no 73 sa na lapida.. hirap na kse basahin ng mga pangalan.. salamat sa pagdalaw sa lp ko..

arvin said...

Huwaw, diyan pala tayo pupunta:D Di pa kasi ako nakakarating dun, hehehe. Kitakits na lang:)

JO said...

sorry, hindi ko yata maiisipan magpakuha ng litrato ko sa lugar na yan. kahit na sino pa ang nakalibing diyan.

M said...

nyay, natakot naman ako sa background ng picture mo. hehehe :)

http://mysilverchair.blogspot.com

♥SomethingPurple♥ said...

napakagaling ng iyong ideya! Happy LP!

cross eyed bear said...

astig ng tour ni carlos celdran noh?

shutter happy jenn said...

Salamat sa mga komento..

Anj.. astig nga talaga tour ni Carlos Celdran. Galing!

Anonymous said...

sa unang tingin, akala ko ay iyong kamag-anak ang mga iyan...at parte sila ng buhay mo.

buti na lang at marami ng larawan...maraming mapagpipilian.

buti pa kayo, kitakits na...ibahagi agad ang mga larawang inyong makukunan.

salamat sa pagbisita.

Anonymous said...

yikes..di ka natakot? nung first time kong pumunta dyan, ni hindi ako makalapit sa libingan ni legaspi. takot ako eh

etteY said...

ganda ng kuha mo ha pati na dn ang background kahit medyo creepy :)

yvelle said...

nice shot jenn. maligayang araw!

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-19-ako-up-close-and-personal.html

Jordan McClements said...

I am running a poll at :-

http://money-from-photos.blogspot.com/2008/08/jpeg-or-raw.html

Since you have a great photo blog, I would appreciate it if you could spare a minute to participate.

Thanks!

Princess Vien said...

nice entry!!

eto po sa akin..

http://www.inthespiritofdance.com/2008/08/lp-19-ako-at-ang-koleksyon.html

Anonymous said...

Uy at ngayong ko lang din nalaman na dyan pala nakalibing si Juan Luna. Di pa ako nakapunta dyan. Galing naman at may picture pa kayo dyan.

Salamat sa pagbisita, hanggang sa susunod.

Anonymous said...

Jen, ang daya hindi mo sinabi sa akin na duon pala nakalibing si Juan, wala tuloy pektyur to remember him by he he!

seriously it was nice to meet u and kuya, ang saya ng EB ha, ang kukulit natin :D

o game ka na ba? ONE - TWO - TALON!!! ha ha ha!

(ps. nasa internet caf elang kaya wa pa piktyurs sa blogs :D )

Mayet said...

hi!!nagulat ako sa background mo, at nagtaka kasi all smile ka--posing pala with Juan Luna!!

thanks sa visit!

Dyes said...

kakaibang litrato! at ang buong akala ko ay mga ninuno (lolo o lola) ang nasa likod mo! oh well, in a sense ay ninuno nga rin natin si juan :)

 
;