Thursday, September 25, 2008
animals,
canon powershot a580,
litratong pinoy
Itim at Puti (Black and White)
I already posted this picture in my other blog, but I cannot help not to share this picture for this week because I am really fond of this kitten. When they were born, she's the smallest among the three kittens, that's why I named her Lilith (short for "Bulilit," meaning small).
{Nai-post ko na itong litratong ito sa kabila kong blog, pero 'di ko mapigil na hindi rin ito ang ilahok ko kasi tuwang-tuwa ako sa kuting naming ito. Noong ipinanganak ito, ang liit niya talaga kumpara sa kanyang dalawang kapatid, kaya Lilith ang ipinangalan ko kasi shortcut for "bulilit." Noon pa man, alalang-alala na ang aming ina sa kanya, akala noon ni nanay mamamatay siya ano mang oras kasi sobrang liit niya talaga.}
Because the kittens are very hyperactive, we decided to keep them all. We also found them very smart for when they were just a month old, they were able to give out solutions to the hurdles we've put in the room so they won't go out.
{Dahil sa angking kakulitan ng mga kuting, napagdesisyunan naming kupkupin silang lahat. Matatalino rin naman kasi ang mga kuting, isang buwan pa lang sila, alam na nila kung paano bigyang solusyon ang mga harang na nilagay namin para di sila makalabas ng kwarto kung saan sila ipinanganak.}
Maybe it's because of the Whiskas that we fed them that's why they became more hyperactive. Unfortunately, all of them got sick and one of them died, while the other one still looked sick even if he's okay now. It's only Lilith who recovered well and if she was hyperactive before, she was way more hyper after she recovered from the sickness!
{Dahil na rin siguro sa Whiskas na ipinakain namin sa kanila kung kaya naging mas lalong masigla ang kuting na ito. Sa kasamaang palad, nagkasakit silang tatlong kuting at ang isa sa kanila ay namatay, samantalang ang isa ay naging payatot at mukhang hindi na lumaki. Si Lilith lang ang talagang maayos ang pangangatawan at mas lalo pang kumulit buhat noong gumaling sa pagkakasakit.}
One of the things that she loves to play with are our slippers and shoes. Just a few days ago, she saw one of my sister's shoes and decided to play with it. I am such a nice sister that instead of taking the shoe, I got my digital camera to take pictures of her. I took a few shots, but decided to share this one because this is the cutest among the pictures.
{Isa sa gustong gusto niyang kulitin ay ang aming mga tsinelas at sapatos. Noong mga nakaraang araw, napagdiskitahan niya ang sapatos ng aming bunsong kapatid at dahil isa akong mabait na kapatid, imbes na sawayin ang kuting at ilayo ang sapatos, kinuha ko pa ang aking digital camera upang litratuhan siya. =) Marami-raming litrato ang nakuha ko noong araw na 'yon, pero ito kasi pinaka-cute kaya ito na lang ilalahok ko.}
*** Jenn ***
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
cuuuute! here, kitty kitty! susyal naman ng pagkain niya! laking whiskas! yung mga kuting ko dati sa pinas, mga buto lang ng isda at tirang pagkain...hehe.
Ang cute naman ni Kitty :)
wow astig ng pose niya ha. Hehe!
susyal talaga yang mga pusa ni Jenn, nakaka asr nga eh, selos ako :(
happy LP day :)
eto AKIN
Kahit pug alaga ko, maka pusa din ako!! Ka-cute naman ni Lilith (such pretty name, Jenn!) this shot is really adorable :)
Happy LP sa iyo..and btw, pssstt...P&S lang gamit ko sa moon shots ko ;)
ava! tsosyal ni Lilith pero sulit naman at mukhang masayahin siya:) mahilig din ako sa pusa, ewan ko ba may mga nakakatuwang moments sila ano. happy LP! eto ang lahok ko..http://www.pinaylighterside.com/2008/09/litratong-pinoy19-black-and-white-itim.html
super adorable!!! ang cute naman ng entry mo this week jen. sana ganyan din ka cute pet ko ehehehehe!
great shot!
naku ha may pagka meldita si pussy :-)
cute naman, nakatulog ata sa amoy ng sapatos:)
you've captured her well
cute talaga ng kitty!
Ang kulit ni (bu)Lilith! Yan ang s-t-r-e-t-c-h-i-n-g....
Gandang Lp sa iyo, Jen!
sweet kitty :)
sana di na-scratch ni lilith yung shoes... hehehe...
pussy cat...pussy cat where have you been? cute po ni meow.
sana'y madalaw nyo din po ang isa ko pang entry:
Living In Australia
Mukhang ang tamad ni Lilith diyan sa pose na iyan... tulog ba siya o nanlalambing lang?
Nakakatuwa naman at inalagaan ninyo ang mga pusa. Ako mas gusto ko kasi ang mga aso eh.
Happy LP!
Post a Comment