Thursday, October 02, 2008

Aking Kompyuter



Computer

This computer is being shared by us three siblings, but it's me who always use it because I am an early riser and I always race them to it. But of course, there are times my brother would be able to open it earlier or rather faster than I did. Hahahaha. It's 1994 or 1995 when we first had our own computer, but the one in this photo was only about a year old.

{Ang kompyuter na ito ay pinaghahatian naming magkakapatid, pero ako ang madalas gumamit kasi maaga akong nagigising at madalas ko silang maunahan. Pero siyempre, 'pag may pagkakataong tumayo ako, masisingitan din ako ng mga kapatid ko. Hahahahaha! Taong 1994 o 1995 ata noong una kaming magkaroon ng kompyuter, pero itong nasa litrato ay mga isang taon pa lamang.}

It's not always that we have Whopper by our computer, it just so happened that I took home a Whopper from the mall. I did this photo shoot for the Ces' LaPiS meme, but since this one had a clear shot of our computer, might as well share it for Litratong Pinoy. The site on the monitor is my travel blog.

{Hindi naman madalas na may Whopper sa harap ng kompyuter, nagkataon lamang na nag-uwi ako ng Whopper galing sa mall. Ang grupo ng mga litratong kasama nito ay nilitratuhan ko para sa LaPiS meme ni Ces, pero merong isa na kita ang aming kompyuter kaya ito na lamang ang ilalahok ko para sa Litratong Pinoy. Ang website na nasa monitor ay ang aking travel blog.}

*** Jenn ***

the sweet lifeLe Kultiszie Familie
Jenn Was HereShutter Happenings

17 comments:

Anonymous said...

Kung may ka-share ako sa machine ko, naku away! ha ha ha! (ang damot ano?)

Happy LP Jenn...and btw, type ko yung burger sa tabi ha ha ha! ang damot na, ang takaw pa!

agent112778 said...

hanapin nyo kung saan yung pusa :)

pag may food may pusa :)

eto aken lahok

magandang araw ka-LP :)

Anonymous said...

kayo pla ni jay ay magkafatid! hehe...hating kafatid!

 gmirage said...

Whopper at red plastic glass agad napansin ko ano! lol.

Yan ang dahilan kung bakit ako bawal sa PC ni hubby at kung bakit ako nagkaron ng aking kompyuter lol. HAppy lp!

Anonymous said...

waah, hindi ko ata kaya na may ka-share na iba sa computer (maliban sa asawa ko, na hindi naman madalas gumamit). siyempre may hamburjer pang kasali yan picture. :D

Anonymous said...

yay ang hirap naman ng may kaagaw sa computer.. bili ka ng ng iyo para solong solo mo na at d ka na makikipag race..

Bella Sweet Cakes said...

Bilisan mo palagi Jenn parang amazing race ang dating mo.... ganyan atlaga pagkain sa tabi ng comp.... eto naman sa kin http://aussietalks.com/2008/10/litratong-pinoy-aking-kompyutermy.html

arvin said...

basta ako, akin ang late-night slot:P Buti na lang mahilig manood ng telenobela mga kapatid ko kaya, di sila masyado gumagamit pag gabi. haay, at buti na lang kamo, friendster lang alam nila:P

Anonymous said...

gusto mo bumili ng laptop? baka ibenta yung office laptops namin eh :D

shutter happy jenn said...

@Iris, depende sa price. Hehehehe. Pero kung kaya ng budget, why not?

Anonymous said...

ingat sa drink, baka mabuhusan ang keyboard (speaking from experience)he he
Oh, I don't mind sharing too :-)

Anonymous said...

pag mga bata pa talaga, nags-share ng computer :) kaya nga me ka-share din ako sa computer eh! < i >*kapal ko hahaha!*< /i >

Anonymous said...

...kuya, wala naman akung makitang pusa eh...^_^

...sis sarap nung whopper ah! sana pag gagamit ako nang komputer may ganyan na pagkain sa tabi.. hahah..^_^

Anonymous said...

Buti pa kayo pwede mag-share ng computer - kami ni Keith hanggang Whopper lang pwede i-share - hahaha!

Pag computer time na, pinapagbigyan na niya ako dahil meron din naman siyang sarili sa opisina - buti naman! ;)

fortuitous faery said...

hay nagutom tuloy ako sa BK mo...haha. cute ng papemelroti wrap sa computer table mo, ha. :)

Anonymous said...

ang bait naman share kayo sa computer. sweet! :)

Anonymous said...

Jen, nadistract ako sa whopper... sarap!

Ang sarap kung lahat ng tao ay may tagisa-isang computer no?! Hay!

 
;