Thursday, October 23, 2008

Liwanag (Light)



Brown Out

Ako po ay nasa La Union ngayon, hinahabol ang araw dahil pag sumapit ang dilim ay doble doble patong ng pamasahe sa tricycle, kaya ito ay maiksi lamang - nasa Internet cafe po ako at ipapa-post ko na lamang kay kuya ang aking lahok. Edit ko na lang itong entry ko pag-uwi.

Kuha ito isang gabi ng bigla kaming mawalan ng kuryente. Walang magawa, buti na lang inuwi ni kuya ang kanyang munting gitara, at sa tulong ng liwanag ng kandila, kahit papaano ay nakapagsaya pa rin kaming magkakapatid. Ang kantang aking pinag-aaralan ay ang kantang "Everything" ni Alanis Morissette. Madali lamang tugtugin, pero medyo mahirap kantahin. =)

*** Jenn ***

13 comments:

marie said...

Hi Jenn, nagsusunog ka ng kilay sa kanta, kakatuwa naman at ang ganda ng pagkakakuha, liwanag sa dilim talaga.

Anonymous said...

jenn, ingat sa La Union and also have fun!

I agree with ate Marie, ang ganda naman ng kuha nito, may drama sya.

Anonymous said...

yep! dramatic ang dating ng iyong lahok:) isa sa mga nagagawang effect ng liwanag!:)

Anonymous said...

Ayos talaga ang samahan ninyong magkakapatid - sa dilim man o sa liwanag, kaya niyong magpakasaya!

Gusto ko ang drama ng kuha mo - galing!

Ingat sa La Union.

Anonymous said...

la union! saya pumunta dyan...iniisip ko yung mga puedeng bilhing pasalubong. hehe.

kung iisipin, kandila lang ang ilaw na gamit ng ating mga magulang at lola noong bata pa sila, lalo na sa mga probinsya.

fcb said...

nice shot!

wow! LU!!! ingat ka jan!

♥peachkins♥ said...

Ganda nito ah...probinsya na probinsya ang dating..kaya lang..may cellphone????hehe

Anonymous said...

this is nice jen, ganda ng composition mo... happy huwebes... :)

Bella Sweet Cakes said...

Hello Jenn..... ang masipag na si jenn!!!!
Blackout!!!!! although bihira lang mag blackout dito at sandali lang,,, naalala ko tuloy pag blackout sa Pinas... kandila ta pamaypay ang palaging kailangan...

Take care at wag masaydong magpagabi!!!!

purplesea said...

ganda ng pagkakakuha! Hi jenn! Enjoy LA Union!

Anonymous said...

uy! taga la union din ang father ko...sa Bangar :)

ganda ng kuha mo...nagustuhan ko ang drama na epekto ng sinag/kakulangan ng ilaw. galing!

http://manillapaper.com/2008/10/lp-all-things-bright-and-beautiful/
http://livinginau.com/2008/10/is-it-daytime/

HiPnCooLMoMMa said...

uy ang ganda ng pagkakakuha Jenn

http://hipncoolmomma.com/?p=2121

Anonymous said...

Jenn, ang galing nb effect... parang sinaunang panahon... parang Jose Rizal Era with celphone... hehehe!

 
;