Thursday, January 08, 2009

Pula (Red)

Napag-usapan naming magkakapatid na kanyang tema para sa buwang ito ng Litratong Pinoy, at napagdesisyunan kong mga bulaklak ang aking ilalahok para sa buwang ito na puro kulay ang tema.

{My siblings and I agreed that we would have our own theme for this month's Litratong Pinoy topics, and I decided to do flower pictures for this month about different colors.}



Red Artichoke? =)

Hindi ko alam kung ano'ng tawag sa bulaklak na ito, pero unang kita ko pa lang, naging interesante na agad ako. Mukha siyang artichoke, pero parang hindi naman. Nang makita ko ito sa isang tindahan sa Market One (sa may Lung Center of the Philippines), agad-agad kong kinuhanan ng litrato upang ipakita sa aming ina. Hindi ko pa alam kung kailan ulit kami makababalik doon, pero pagbalik ko, talagang susulitin ko ang araw upang kumuha ng litrato.

{I don't know the name of this flower, but the minute I saw it, I was already interested in it. It looks like artichoke, but seems not like it, too. I don't know when we can come back to Market One (located in the grounds of Lung Center of the Philippines), but when that day comes, I will surely seize all opportunities to take pictures.}

*** Jenn ***

20 comments:

docemdy said...

Nakakita na din ako nito pero nasa flower arrangement na. mukhang sturdy syang bulaklak, di ba? Magandang Hwebes!

Anonymous said...

Ang ganda naman kasi. kahit ako mapapakuha ng larawan pag nakita ko yan...

arvin said...

Anu yan e, hehe, hinde.. hinde ko alam kung anu yan:P Pero mas maganda panigurado kung full bloom na siya:D

Anonymous said...

Kakaiba naman ang bulaklak na ito! Parang mamumulaklak pa yun mala-artichoke na bunga. Ganda! Magandang LP sa iyo!

purplesea said...

Happy New Year Jenn!!!
nakakita na rin ako nyan. mukha syang plastic pero hindi. di ko rin alam tawag dyan e. madalas sa mga flower arrangement ko na nakikita.

Tanchi said...

ANg ganda....splendid!
maligayang LP:)

asouthernshutter.com

Anonymous said...

Hindi ko rin alam ang pangalan ng bulaklak na iyan. Pero maganda siya :)

Anonymous said...

parang masarap siyang kainin :-)

Anonymous said...

Nice shot! Very lovely...magandang huwebes!

Anonymous said...

lovely!!!kaso hindi ko alam kung anong bulaklak yan :)

Happy LP

Joe Narvaez said...

Mapulang bulaklak. Maganda! Mabango ba?

Anonymous said...

angan natin si LPer Jeprocks (botanist kasi) to identify this flower...ang ganda nya Jenn!

Anonymous said...

ang ganda nga niyang bulaklak, tiyak na nasiyahan ang iyon ina pagkakita niya nito :-)
happy new year Jenn!

Carnation said...

hindi ko rin alam ang pangalan kahit palagi kong nakikita. maganda ang kulay! heto ang aking lahok : http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/01/lp40-pula-red.html

♥peachkins♥ said...

girly!! Can't wait for the colorful flowers!

 gmirage said...

Para ngang pulang artichoke? Di ba yan bromeliad? parang maliit naman...nacurious tuloy ako sa ganda, happy LP!

Anonymous said...

uy ang ganda nyan ha:)

Anonymous said...

Really nice shot! Bihira akong magustuhan ang flower pictures pero ang ganda ng angulo ng kuha mo!

Ito po ang aking lahok. Sana makadaan po kayo.

Happy LP!

-- Biang

Anonymous said...

beautiful flower jenn at ang ganda ng pagkakuha mo.

Anonymous said...

mukhang artichoke nga. Diba may mga bulaklak na di malaman kung artificial o kung real? Ganon itong bulaklak. Pero ang ganda nya talaga. Magandang focal point sa isang bouquet.

 
;