Isa sa mga paborito kong kuhanan ng litrato ang mga bulaklak. Ngunit sa dinami-dami ng bulaklak na aking nalitratuhan, wala nang mas gaganda pa sa mga rosas na ito. Ito kasi ang unang bulaklak na natanggap ko. Akalain mo, sa edad na dalampu't walo, ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak?!?
{One of my favorite subjects in taking pictures are the flowers. But in so many flowers I have taken pictures of, none is more beautiful than these roses, because these were the first flowers I have received. Imagine, at age twenty eight, it was just now that I received flowers?!?}
Ngunit ang mga ito ay hindi galing sa isang sinisinta. Bigay ito ng isa sa mga una kong naging kaibigan sa Internet. Isa siyang napakabait na Amerikano, laging handa akong tulungan sa mga kailangan ko pagdating sa Internet, at kung hindi lang sa mga ilang rason, malamang kaming dalawa ay naging magkasintahan na rin, subalit wala sa aming dalawa ang nagnais na tumira sa ibang bansa, kaya ang aming relasyon ay mananatili lamang sa pagiging magkaibigan.
{However, these were not from a significant other. These were given by one of my first friends online. He's one sweet and kind American, who's always ready to help me when it comes to Internet matters. If not for some concrete reasons, he and I should've been lovers now, but since none of us were willing to migrate to a different country, our relationship will just remain as friends.}
Sa iyo, Stephen.. maraming salamat!
{To you, Stephen... thanks so much!}
*** Jenn ***
14 comments:
That's so sweet of him! Ang ganda naman talaga ng bulaklak na hawak mo.
sabi ko na nga! bulaklak ang number 1 na panuyo ng mga boys! haha. happy huwebes! :-)
awww napaka sweet naman ng online friend mo ha.. kakahaba ng hair hehe..
Magandang Huwebes; eto po lahok ko:
http://jennys-corner.com/2009/02/lp-take-time-to-smell-flowers.html
Gandang kuha ng mga bulaklak pati na ang may hawak. Happy LP Hwebes!
http://www.mariegvergara.com/?p=569 , heto pa ang isa http://vanidosa.blogspot.com/2009/02/lp-47-bulaklak.html
uuuyyyy... hehehe! Ang sweet naman lalo na kung di mo talaga ine-expect noh?
Sweeeeet!
Malay mo, baka magbago pa ang isip ninyo at balang-araw ay magkatuluyan pa kayo? Uyyyyyy, sangkaterbang red roses na iyan! :)
Sreisaat Adventures
ang sweet naman...ayiiii...
ako wala pang natatanggap na flowers. ehehehe
loser hahaha
eto naman ang aking lahok:
LP #47
HAPPY LP!!
Ang ganda ng mga roses! :)
eto ang aking lahok:
http://olapaula.com/2009/lp-02262009-bulaklak/
You gained a friend and so did he. :)
beautiful flowers...how sweet!
I agree with Sreisaat, you might change your mind one day...
ang sweet naman ni Stephen. Wala na ba talagang pag-asa maging kayo? Baka, kailangan lang nang konting panahon.
jen, sa flickr pa lang eh kinilig na ako sa flowers mo na ito ha ha!
ayaw mo ba talaga subukan man lang kahit bakasyon sa ibang bansa para at least ma try mo? (tanong lang ha)
have a good weekend!
ganda ng iyong mga rosas :)
ang aking mga bulaklak at ang mga talulot nito ay sa Reflexes at Living In Australia
He is really sweet friend,i hope he will realize someday that he really need to migrate because of you.If that time will come you should grab the chance.
-Ava
Post a Comment