Thursday, April 30, 2009

Tulay (Bridge)



Quirino Bridge

Ang Quirino Bridge na nag-uugnay sa una at pangalawang bahagi ng Ilocos Sur ang pinaka paborito kong tulay. Tuwing pupunta ako ng Vigan, ito ang bahagi ng Ilocos Sur na talagang inaabangan ko. Pakiramdam ko kasi kapag nakarating na dito ay "abot tanaw" na lang ang Vigan. Hehehe. Ang litratong ito ay kuha noong nakaraang Mayo. Nakasama ako sa road trip ng akong tiyahin at ng kanyang mga high school friends at dahil walang aircon ang van na sinakyan namin, nagawa kong ilabas ang kaunting bahagi ng aking katawan sa may bintana upang makuhanan ng litrato ang tulay.

{The Quirino Bridge that links the first and second part of Ilocos Sur is my favorite bridge. Whenever I go to Vigan, this is the part of Ilocos Sur that I anticipate the most because I feel that once I reach the bridge, Vigan is just a stone throw away. =) This picture was shot last May when I went on a road trip with my aunt and her friends from high school.}

*** Jenn ***

11 comments:

julie said...

AY, espesyal naman ang tulay na yan, kagaya ng nilagay kung link sa aking LP entry :)

Nice one!

Marites said...

ganda ng kuha mo sa quirino bridge..yan din ang tanda namin pag papunta kami ng Laoag galing Vigan. Unang daan namin talagang nagpahinto kami at nagpalitrato kasi nga, naging kasali rin itong tulay na ito sa mga pelikula.

SASSY MOM said...

In fairness, ang ganda ng shot mo. Di pa ako nakakapunta diyan. Malamang isunod ko yan.

eto naman ang aking lahok.

Mirage said...

Drive by shot din ba ito? Nasa sasakyan ka pa right? Ang gandang tingnan lalo na green ang likuran...Happy LP!

Four-eyed-missy said...

Agree ako sa sinabi ni Mirage. Pero mas maganda sana ito kung mas maraming berdeng puno sa bundok. Sana hindi tuluyang makalbo ito.

Magandang Hwebes, Jenn :)

Sreisaat Adventures

Junnie said...

diyan ba nilipad yung pera ni Juday? :P Very special din sa akin ito.

As much as what we just saw recently:http://pic.blogspot.com/2009/04/tulay.html

ganda!

marie said...

Happy LP Hwebes po. Heto ang aking mga lahok, magkaibang mga tulay
http://www.mariegvergara.com/?p=602
http://vanidosa.blogspot.com/2009/04/lp-55-tulay.html

HiPnCooLMoMMa said...

tuwang tuwa din ako nung nadaan ako sa tulay na yan, ang ganda

emarene said...

magandang shot, parang ang layo ng biyahe talaga.

Joe Narvaez said...

Very nice shot!

ces said...

hindi ko pa rin narating ang lugar na ito...maganda ang pagkakakuha ha:)

 
;