Thursday, May 21, 2009

Lahat Ay Payak (All Are Simple)



Lunch Time

Lunch Time

Maraming dahilan kung bakit gusto ko ang buhay probinsiya. Una ay sapagkat ang buhay ay simple, mabagal ang takbo ng oras at nae-enjoy ko ng husto ang kagandahan ng kapaligiran. Sabi ko nga, kung papipiliin ako kung saan ako titira habangbuhay, gugustuhin ko sa probinsiya. Pero siyempre, dapat may Internet! Hahaha.

{I could list down a lot of reasons why I love to live in the countryside. One is because living is simple, all is laid back, and I could get to enjoy the beauty of Mother Nature the most. I actually told myself, if I am to choose where to live forever, I'd choose to live in the countryside. But of course, there has to be Internet! Hahaha.}

Ang mga litratong ito ay kuha Oktubre 2008. Mula sa simbahan ng Balaoan sa La Union, ako ay pumunta sa may grotto ilang kilometro ang layo. Pagkatapos kong makuhanan ng litrato ang grotto, naglakad ako sa may bukid kung saan ang mga magsasaka ay naghahanda para sa pananghalian. Silang lahat ay nagsama sama sa may lilim ng puno upang pagsaluhan ang mga pagkaing inihanda ng kanilang mga kabiyak. Payak man ang pamumuhay, bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan.

{These pictures were taken October 2008. From the church in Balaoan, La Union, I went to the grotto a few kilometers away. After taking pictures of the grotto, I walk at the nearby farm where the farmers were getting ready for lunch. All of them gathered under the shade of a tree to share the lunch prepared by their wives. Their living might be simple, but happiness can be seen through their faces.}

*** Jenn ***

9 comments:

Zee said...

No need to say more Jenn! I love staying in the countryside, too... maganda talaga doon :)

First entry ko sa LP! :) sumali na ako

yami said...

walang polusyon, walang trapik, pero dapat may Internet. kaisa mo ako dito, Jen!

Magandang Huwebes ka-LP! :)

agent112778 said...

wala lang

sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

PEACHY said...

simple ng ang buhay probinsya, lalo na kung ikaw ay nasa kabukiran. Ang sarap ng simoy ng hangin, parang uyayi ang ihip ng hangin at ang mapayapang huni sa kabukiran.

silentprincess said...

masarap tlga ang buhay sa probinsya simple lang at kaysarap ng simoy ng hangin.. Happy LP!

upto6only said...

maganda talaga sa probinsya. malinis pa ang hangin. sariwa pa lahat.

happy LP

Unknown said...

masarap talaga sa probinsya, simpleng buhay lang masaya na. yon nga lang, dapat may internet.:D

SASSY MOM said...

Ako man gudto ko na buhay probinsiya. Siguro pag nagretiro ako. Happy LP!

Marites said...

ako din, gustung-gusto ko sa probinsiya kaya gusto ko ang magbiyahe. Naku, ang hirap buhay-magsasaka. siguradong gutum na gutom na ang mga yan. maligayang LP!

 
;