{I don't know the exact translation of this week's theme so I would just leave it at that. Is it "aftermath?" I don't know. Hehehe.}
Nang magselebra ng kaarawan ang kaibigan kong si Andre, niyaya niya kaming ka-household niya sa SFC na kumain ng hapunan sa Shakey's. Bittersweet ang selebrasyon na iyon sapagkat isa siya sa mga nawalan ng trabaho nang magkaroon ng problema ang Accenture, kung saan siya nagtrabaho ng matagal. Pero kahit siya ay dumadaan sa problema, pinili pa rin niyang iselebra ang kanyang kaarawan.
{When my friend Andre celebrated her birthday, she invited us her SFC household sisters to eat dinner in Shakey's. It was a bittersweet celebration as she was one of the people who got laid off at work when the company she worked for many years (Accenture) had some problems due to the economic crisis. But even if she was having problems, she still chose to celebrate her birthday.}
Nakagawian ko nang kunan ng litrato ang mesa pagkatapos makainan. Natutuwa akong ipagkumpara ang itsura ng mesa bago at matapos kumain. Mas makalat, mas masaya. Pero dahil kami ay mga babae, ang mesang ito ay di naman ganoon kakalat.
{It has been a thing for me to take pictures of the dining table after eating. I find it funny to compare how it looked like with all the sumptuous foods and how it looked like afterwards. The messier, the better.. but because we were ladies, this table wasn't really that messy.}
Dahil napag-usapan na rin ang selebrasyon ng kaarawan, ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng bumati sa akin.
{And since we were talking about birthday celebrations, I am sending out my gratitude to all those who greeted me on my birthday.}
*** Jenn ***
6 comments:
nang matapos talaga hehehe...as in. busog? hehe. hope to see you soon!
belated happy birthday :)
mukhang masarap kain niyo diyan :)
clean plate special :D
sarap talaga ng Shakeys!!
hahaha! ang galing! mukhang nagpakabusog talaga kayo ha... gutom tuloy ako
Shakeys! Mojos!! :D
Post a Comment