

Mula nang maging interesante ako sa potograpiya, marami-rami na rin akong nakuhanang litrato. Karamihan ay hindi naman talaga magaganda, ngunit pangit man o hindi, lahat ng mga litratong nakatago sa aking mga CDs ay mahalaga sa akin.
{Ever since I started being interested in photography, I have taken quite a lot of pictures. Most of the images aren't really that great, but no matter how ugly or beautiful the images are, all are important to me.}Mahirap mang mag-isip kung anong litrato talaga ang pinaka-paborito ko, hindi ako nahirapang magsabi na ito ang aking paborito nang malaman kong ito ang tema para sa linggong ito. Kuha ito nito lamang ika-11 ng Marso, nang kaming magkapatid ay pumunta sa Pier 13 (Manila South Harbor) upang bisitahin ang MV Doulos, ang itinuturing na pinakamatandang barko na lumalayag pa rin sa kasalukuyan. Napag-alaman kong ang barko ay idede-komisyon na sa isang taon at ito ang huling beses na dadaong ang barko sa Pilipinas, kaya hindi na namin pinalampas ang pagkakataon.
{It's hard to think which image is my most favorite, but upon knowing the theme for this week, it wasn't that difficult for me to say that this was my favorite. I took this last 11 March, when my sister and I went to check out MV Doulos, the oldest still sailing passenger ship. I learned that the ship will be de-commisioned next year, so when I found out that it was in the Philippines, we made it a point to check out the ship.}At siyempre pa, sobrang ma-drama talaga ang kuhang ito dahit nag-aagaw ang araw at gabi. Salamat, lady Doulos!
{And how dramatic a shot would be if it was taken between day and night? I really love this photo. Thanks for the memories, lady Doulos!}*** Jenn ***
- Follow Us on Twitter!
- "Join Us on Facebook!
- RSS
Contact