Thursday, June 19, 2008

Itay (Father)



Dad's Grave

Medyo mabigat para sa akin ang tema ngayong linggo dahil hangga't maari ay gusto ko ng makalimutan ang pagkamatay ng aking ama. Hindi naman dahil isa akong masamang anak, kaya lang, nakita ko kasi kung ano ang hitsura niya noong maghingalo at mamatay, at inaamin kong madalas kong makita ang eksenang iyon sa diwa ko, at talaga namang naaapektuhan ako sa tuwing makikita ko iyon. Humingi na ako ng tawad sa kanya at sinabi kong kakalimutan ko na siya para malimutan ko na rin ang mapait na alaala ng kanyang pagkamatay.

Isa akong "daddy's girl." Siya ang aking best friend. Iniisip ko pa lang na wala na siya, naiiyak na ako, pero okay lang ako. Gaya ng sinabi ko, unti-unti ay kinakalimutan ko na siya at siguro, sa tamang panahon, ang pangit na ala-ala ay mawawala rin.

Ang litratong ito ay isang "self-portrait" gamit ang aking cell phone, noong bisitahin namin ang kanyang libingan, undas ng nakaraang taon. Noong inilibing siya, isinama na rin namin ang buto ng kanyang naging yaya (at ang ina ng kanyang yaya), dahil utang namin sa kanila ang pag-aalaga kay daddy. Wala na silang kamag-anak, kaya naisip naming sa ganitong paraan, hindi malilimutan ang kanilang kabaitan. Ang aking ama ay nakahimlay sa Forest Lake en Cielo, sa San Juan, La Union.

-----

This week's theme is a bit hard for me to bear because I am actually in the process of forgetting my father. Not that I am a bad daughter, it's just that I got to see how he died -- how he struggled and all -- and everytime that episode comes to mind, I truly get affected in a very negative way. I already asked forgiveness and already told him that I will try to forget him so I could forget his painful death.

I am a daddy's girl. He was my best friend. Just thinking he's no longer with us makes me cry. Hopefully, in time the wounds will be completely healed.

This is a self-portrait picture I took using my cell phone, when we visited his grave last All Saints' Day (01 Nov 2007). With him in this grave are the bones of her nanny and the nanny's mother. We decided to transfer their bones here because they don't have any relatives anymore, so with this, their souls won't be forgotten. They have been very nice to my dad, this is just a little way to repay their kindness. My father's remains lie in Forest Lake en Cielo - San Juan, La Union.

*** Jenn ***


11 comments:

Dyes said...

nakakalungkot nga. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag nawala si Papa.

Anonymous said...

tunay na nakakalungkot ang ganyang mga alaala...parehas tayo. pero kaya mo yan. buti ka pa at nadadalaw mo ang puntod nya.

Anonymous said...

isang mahigpit na yakap para sa iyo.. sana ay mapalitan ng magagandang ala-ala ang nasa isip mo ngayon.

Busymom: LP2 Itay (Father)
Strawberrygurl: LP12 Itay (Father)

sana ay makapasyal ka. happy lp!

Lizeth said...

i am daddy's girl too!

nakakalungkot naman..but i guess we should be thankful na hindi na sya naghihirap ngayon. you mentioned how bad he suffered..pray for your dad's soul na lang and remember the good memories when he was still alive.Ü

*hugs*

Anonymous said...

bago lang pala ang pangyayari... pero nasa mabuti na syang kalagayan ngayon :D

Anonymous said...

mahirap talagang masaksihan ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay. sana ay balang araw ang ala-ala ng pagkamatay ng iyong ama ay mawala sa iyong isipan ngunit ang magagandang alaala ninyo ay maiwan habang buhay.

maligayang lp!

Anonymous said...

malungkot nga ang entry mo. Pero alam mo Jenn, pisikal na katawan lang naman ang nawala, ang importante ang mga lessons, mga alaala, mapait man o hindi ang natitira sa ating puso at isip :)

Anonymous said...

*mahigpit na yakap para sa iyo*

sana nga mawala sa alala mo ang masakit na nasaksihan mo. stay strong :0)

Anonymous said...

nakakalungkot nga ... but am sure you'll come to terms with what happened as time passes ... :)

take care, Jenn!

Anonymous said...

nakikiramay ako sa'yo. sana'y malampasan mo rin iyang kalungkutan. *hugs*

napakabuti ninyo para isama na rin ang labi ng kanyang yaya't naging ina nito sa kanyang libingan.

Anonymous said...

That was sad...ang hirap mawalan ng ama, sa kagaya ko kagaya mong...daddy's girl. :(

 
;