Kung merong dalawang pagkain ang hinding-hindi ko talaga kakainin, iyon ay ang atay (lalo na ng manok) at okra. Pero siyempre, medyo weirdo kung litrato ng atay ang ilalahok ko, kaya eto na lang, ang okra. =)
Bata pa lang ako, ayaw ko na talagang kumain ng okra. Ang daming pagkakataong "pinipilit" ako ng aking ama na kumain, at minsan talagang mino-motivate pa ako, pero hindi ko talaga gusto. Tina-try ko, oo, pero hindi ko magawang lunukin, unang nguya pa lang, nagre-react na kaagad ang katawan ko! Hindi ko gusto ang pakiramdam habang nginunguya ito, pero kaya ko namang kumain ng saluyot. Siguro nasa isip ko na rin na hindi ko talaga ito gusto. Bukod kasi sa madulas, iba rin ang lasa kaya't kahit anong liit at kahit anong pilit, di ko talaga ito makakakain. Pero, kung ito ay ala Fear Factor, at ako ay babayaran, kahit 500 pesos, kakainin ko ito. Hahahaha.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
English Translation:If there are two foods that I totally won't eat, it would be liver (especially chicken's) and okra. But of course, it would be too weird if I post a picture of a liver, so I would just post a picture of the okra.
Ever since I was a child, I have not wanted this food. So many instances that my late father would "force" me to eat one, even motivated me at some point, but I just cannot swallow it. The slimy feeling it gives in my mouth sends shivers, and it was funny because I can eat jute! Maybe it's all in the head, but if someone would give me a reward, even just 500 pesos, I'd eat it. Hahahaha.
*** Jenn ***



