Thursday, February 12, 2009

Puso (Heart)



21/365 - 31st Year

Minsan noong nakaraang buwan, naghanap ako ng mga imahe sa Flickr at DeviantArt tungkol sa mga puso at isa sa mga imaheng nakapukaw ng aking atensyon ay ang litrato ng isang singsing na nakapatong sa isang aklat na may anino na hugis puso. Ninais ko ring gawin ang kaparehong imahe, at dahil ako rin ay sumali sa Project 365, ang litratong ito ay kinunan ko noong ika-21 ng Enero.

{Sometime last month, I did an image search on Flickr and DeviantArt for hearts, and one of the images that caught my interest was that of a ring on top of a book with a shadow forming into a heart. I wanted to create the same image and because I am also doing Project 365, I took this image on 21 January.}

Araw iyon ng wedding anniversary ng aking mga magulang. Kung maaalala niyo ang lahok ko para sa temang pilak, ito ang mga singsing na nagmula sa mga pilak na barya. Kinulit ko pa ang aking ina para ipahiram sa akin ang mga singsing upang kuhanan ng litrato. Sa ngayon kasi ang orihinal na singsing na isinuot ng aking ina ay nakatago na dahil hindi na iyon kasya sa kanya. Salamat sa mga mababait na ka-pamilya, kahit ano'ng kulit ko, todo suporta pa rin sila!

{It's my parents' wedding anniversary. If you could remember my entry for pilak, these were the rings from my dad's silver coins. I bugged my mom so she could lend me the rings so I could take a picture of it. My mom has already kept the original ring she wore because it no loger fits her. So thankful to have nice and great family, no matter how I bug them, they're still very supportive!}

Ang imaheng ito ay kinunan gamit ang aking Sony Ericsson K800i cell phone.

{I took this image using my Sony Ericsson K800i cell phone.}

*** Jenn ***

27 comments:

Anonymous said...

wow. ang galing....parang kay azrael din ehehehe


salamat sa support ng iyong pamilya ehehehe

eto naman po ang aking lahok:

http://idlip.net/?p=330

Happy Lp po :D
advanced happy hearts day :)

docemdy said...

Masubukan nga yang kuhang yan. Magandang Hwebes at masayang araw ng mga puso!

Carnation said...

ang galing nga hindi ko kaagad napansin ang aninong hugis-puso kung hindi ko nabasa ang sinulat mo. unique sya. ito yong sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp45-puso-o-hugis-puso-heart-or-heart.html

Anonymous said...

Hi jenn,,,, galing talagani Jenn,, add mo naman ako sa Flickr mo.... eto nga pala ang aking lahok http://aussietalks.com/2009/02/litratong-pinoy-puso-o-hugis-puso.html

Anonymous said...

uy pareho tayo jen.... hehehe.... advance happy hearts day! :)

Anonymous said...

ganda nga ng effect...ako rin yung lahok ko ay nakuha ko ang idea ko sa paglilibot.. tignan mo..

Magandang Huwebes!! Eto po lahok ko
http://jennys-corner.com/2009/02/litratong-pinoy-puso-heart.html

♥♥ Willa ♥♥ said...

ang ganda, pangtatlo na yata itong parehong entry, (idea) na nakita ko today, pero lahat magagaling at iba iba ang presentasyon!

Anonymous said...

hello Jen. Ganda ng entry mo. Meron ka pang katulad si Lino.

Happy LP

Anonymous said...

same as Azra...ok pala yung effect nya. happy vday!
ang aking PUSO ay narito : Reflexes

purplesea said...

galing. susubukan ko rin ang ganyang kuha.

Anonymous said...

ay ang galing galing naman nito! kasimple, pero rock!

Anonymous said...

ang ganda naman ng kuwento... gaya ni Em Dy, susubukan ko rin ang kuhang 'yan

PEACHY said...

wow! ang galing ng kuha. Hindi ko napansin agad ang anino na hugis puso. Masubukan nga :-)
Salamat sa dalaw. Happy Huwebes!

Unknown said...

ang galing nyo talaga mag-isip ng konsepto ...

salamat sa pagdalaw sa aking tahanan

Anonymous said...

ang ganda naman ng lahok mo!

happy hearts day!

Anonymous said...

Ang galing, agree ako sa mga sinabi nila, kakaiba ang iyong lahok, Jenn :)

 gmirage said...

buti hindi ganito ginawa ko kundi 3 na tayo! Ganda! Happy LP!

Anonymous said...

Ang galing ha!:)

agent112778 said...

ingit ako sis

mula sa puso eto aken lahok


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

marie said...

78 sila kinasal? kami 79.
Happy LP Hwebes at Advance Happy Vday din sa inyong lahat.
http://vanidosa.blogspot.com/2009/02/lp-45-puso-hugis-puso.html

Anonymous said...

yung mgta singsing ng parents ko nawala na eh :( promise ko sa sarili ko hindi ko iwawala ang mga singsing namin ng asawa ko, hehe. buti na lang kasya pa! :D

gustong gusto ko ang shot na ito, nauna ko itong nakita sa wedding album ng aking kaibigan. sana naisip ito dati ng aming photographer, haha!

raqgold said...

dalawang puso galing sa dalawang bilog ;D galing.

Anonymous said...

ang galing umisip ng konsepto ng mga taga LP ha! good job jenn!

Anonymous said...

enjoy your weekend! hvd!

Dr. Emer said...

Beautiful! truly touching.

Anonymous said...

I see two hearts nga - galing!

Success ang iyong photo experiment - bravo! :)

Anonymous said...

uso rin ang ganitong shot sa mga wedding pics. :)

 
;