Wednesday, March 11, 2009

Blusa / Polo (Blouse / Polo)




Wala akong makitang litrato ng blusa na papasa sa panlasa ko para sa Litratong Pinoy, buti na lang nakita ko ito. Kuha ito nito lamang 28 ng Pebrero nang kami ng kaibigan kong si Ferj ay dumaan sa Tam-Awan Village sa Baguio City matapos naming manood ng Grand Street Parade para sa Panagbenga Festival. Habang kumakain ng tanghalian, ay nakipagkita ang isa pa naming kaibigan na si Michael sa restaurant at siya ang nag-rekomendang daanan namin ang village. Sa totoo lang, wala talaga akong ideya na meron palang ganitong village sa Baguio, kaya laking pasasalamat ko kay Michael sa pagrekomenda nito.

{I cannot find a suitable picture for this week's theme.. good thing I found this. Shot just last 28 February, this was taken in Tam-Awan Village in Baguio City, when my friend Ferj and I went there after watching the Grand Street Parade of the Panagbenga Festival. While eating lunch, another friend met us up and recommended we check out the village. If not for Michael, I would've never known there's a place like this in Baguio City. Thanks for the recommendation, Mike!}

Nagbabalik LP po ako.. pasensiya na kung hindi ako nakakasali nitong mga huling linggo, nagkasunod-sunod kasi ang out of town trips.

{I am getting back on LP... my apologies for not posting my entries the past few weeks, my late February and early January had been so hectic due to out of town trips.}

*** Jenn ***

16 comments:

Anonymous said...

galing nga lahok mo!:)

Anonymous said...

uy okay ah...love the shot jen :)

Anonymous said...

Galing! Maganda nga daw diyan sa Tam-Awan Village, nakita ko din sa isang blog post ng aking kaibigang si imomonline.net

Happy LP!

Anonymous said...

Minsan naman isama mo ako sa out of town trips mo :D

colorful! nice shot jenn

Anonymous said...

ay ang galing! tradisyonal garb na magarbo! Happy LP!

Anonymous said...

uy nandun din ako nung panagbenga... sayang di tayo nagkita, dami kseng tao eh... almost 1M daw ang nagpunta... :)

walkonred said...

galing naman nito!

Anonymous said...

torogis. ganda...sooo ethnic :)


hello po ate jen :)

HAPPY HUWEBES! :)

Unknown said...

perfect for this week's theme!

Marites said...

nakapunta ako diyan :) at tuwang-tuwa ako sa mga likha nila. Maganda rin iyong mga kubong Ifugao na kanilang inayos at pwdeng rentahan.

Four-eyed-missy said...

Jenn, buti ka pa nakapunta na dyan! Ano yan, tinuruan mong mag-raise da roof? Just kidding :) Tiyak matutuwa si Miss Igorota sa litratong ito!

Sreisaat Adventures

SASSY MOM said...

Pinoy na pinoy ang lahok mo. galing!

HiPnCooLMoMMa said...

napaka colorful ng iyong lahok Jenn, ganda!

eto naman ang aking lahok.

Anonymous said...

Okay sa entry - Pinoy na Pinoy! Nice LP comeback, Jen!

Anonymous said...

love your page :) and your entry! :)

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-blusa-polo/

Happy LP!

Anonymous said...

Ang galing ng lahok mo Jenn! Naalala ko tuloy yung parang wrap-around skirt, parang malong, na bigay ng friend ko galing Indonesia yata... hindi ko na makita. Boohoo!

 
;