{First up, a big thank you for the invitation to be this week's guest photographer for Litratong Pinoy.}
Una ko nang naisip ang sunrise para sa linggong ito, ngunit makailang beses ko na ring nagamit ang temang ito sa iba't ibang pagkakataon, kaya sa linggong ito, bagamat sunrise pa rin ang tema, ibang litrato naman. =)
{I first thought of the sunrise for this week, but I have used this theme on several occasions, so for this week, although it's still sunrise that I will use, I will be sharing a different image.}
Naalala ko noong bata pa kami, tuwing magbabakasyon kami sa Pangasinan, laging maagang umaalis ang aming lolo. Sabi ng mga tiyahin namin, ang aming lolo ay nagtratrabaho sa isang bukirin at dapat maaga siyang magising upang makarami ng gagawin.
{I remember when we were still kids and we would take our summer vacation in Pangasinan, I would always see our grandfather leave the house in the wee hours of the morning. Our Aunts said that our father was working in a farm and he has to wake up very early so he could finish his tasks.}
Ang litratong ito ay kuha sa Panglao, Bohol. Habang inaantay ko ang pagsikat ng araw, namataan ko ang mga kalalakihang ito. Hindi ako sigurado kung sila ay mangingisda, o mga tour guides para sa Island Hopping o Dolphin Watching, ngunit kagaya ng aking namayapang lolo, sila rin ay gumigising ng maaga para magtrabaho. Ang bukang liwayway ay simula pa lamang ng isang mahabang araw para sa kanila.
{This picture was taken in Panglao, Bohol. While I was waiting for the sunrise, I saw these men from afar. I am not sure if they were fishermen or tour guides for the island hopping and dolpin watching, but just like my late grandfather, they had to wake up very early to work. The sun rising is just the start of a long day of them.}
*** Jenn ***
8 comments:
yey congrats sa pagiging panauhin eheheh =) angganda ngshot n ito =) sana magka dslr n dn ako huhuhu =) sra p ang digicam ko ngyun e nweis narito ang aking lahok - http://ishiethan.blogspot.com/2009/05/lp-simula-pa-lamang.html
ganyang oras ang pinakapaborito ko,kasi tahimik at payapa. Alam mo, naawa ako sa mga matatanda na pero kailangan pa ring gumising ng maaga para lang magtrabaho.
Congrats nga pala at ikaw ang panauhing litratista sa LP! :)
@Jes - Sana ako rin magka DSLR na, point and shoot user lang ako eh. Hehehe.
@Marites - Ako rin, super paborito ko ang sunrise.
eto ay tila next chapter sa intro mo sa lp. hehehe...
http://maver.wifespeaks.com/2009/05/lp-53-simula-pa-lamang.html
kungrachulashens!
Napaka gandang lahok sis!
Mine is here:
http://www.mypreciousniche.com/2009/05/litratong-pinoy-simula-pa-lamang.html
ang ganda naman ng pagkakakuha mo...
:-)
wow jen....GORGEOUS shot!!!
wow congrats naman at ikaw ang panauhin litratista ngaun :)
ganda din ng litarto mo para sa tema ngung linggo
Post a Comment