Hindi ako nakasali sa Litratong Pinoy noong nakaraang Linggo dahil ako ay nagbakasyon -- sa totoo lang, kauuwi ko pa lang galing probinsiya. Wala pa akong tulog dahil nagbiyahe ako ng gabi. Gusto ko lang mai-post ito bago ako matulog.
Ang tema ngayong linggo ay "ihip ng hangin." Pagkakita ko pa lang sa tema, alam ko na kaagad kung anong litrato ang isasali ko. Kuha ito noong Linggo sa probinsiya ng Cagayan (Rehiyon 2), habang nasa biyahe pauwi ng La Union. Sumama ako sa
"road trip" ng tiyahin ko at ng ilan sa kaniyang mga kaklase noong
high school, at dahil ang van na sinakyan namin ay walang
air-conditioner, natural lamang na liparin ng hangin ang buhok ko dahil kinailangan naming buksan ang bintana ng sasakyan. Ginusto kong litratuhan ang sarili ko habang nililipad ng hangin ang buhok ko, ngunit ganito pala ang hitsura ko. Nakakatawa, di ba? Sabi ng tiyahin ko, mukha daw akong nakakita ng multo. Naisip ko naman, para akong isang pusang nagulat. =)
Alam kong may mga ilang litrato sa aking files na tutugma sa temang ito, pero dahil ito ang una kong naisip, ayoko ng palitan pa. Pasensiya na kung eto na lang ang naisali ko, siguro dala na rin ng pagod at antok kaya ganoon. Hahahaha... 'di bale, paminsan-minsan, kailangan din nating tumawa at magsaya, 'di ba?
Maligayang Huwebes sa lahat.
English Translation:
I wasn't able to join Litratong Pinoy last week because I was on vacation -- truth be told, I just got home from the province. I just wanted to post this one before I head on to sleep because I didn't have the privilege to sleep while on the trip last night.
This week's theme is "ihip ng hangin" (wind blows). Upon seeing the theme, I already knew what picture to post. This one was taken last Sunday, along the roads of Cagayan Province (region 2). I went on a road trip with my aunt and some of her high school friends, and since the van wasn't air-conditioned, we had to put down the windows. I wanted to take a picture of myself as the wind blows my hair, but I was surprised with the outcome. Funny eh? My aunt said I looked like I just saw a ghost, but I think I was more like a surprised cat.
I know there are still a lot of pictures that would fit the theme, but this since I already thought of this, I will just stick to my picture. My apologies if my picture wasn't good -- maybe because of lack of sleep and being tired that's why I am thinking like this. But hey, everyone needs a good laugh from time to time, eh?
Happy Thursday to all.
*** Jenn ***